MALAPIT nang maging fully-automated ang system ng Bureau of Customs.
Ito ang isa sa mga pinakamagandang mangyayari sa kasaysayan ng BoC.
Mawawala na totally ang corruption sa Aduana.
Goodbye na sa Aduana ang mga player na matitigas ang ulo.
Ito kasi ang utos ng ating Pangulo kay Commissioner Sid Lapeña na maging Web based at full automation kapalit ng E2M upang puksain ang natitira pang korupsiyon sa Customs.
Handa lagi ang mga district collector na kagaya ni MICP Collector Atty. Balmerson Valdez sa mga katanungan tungkol sa EDGVS.
Itong “Ber” months ay handa na ang MICP na pataasin lalo ang iniatang na koleksiyon sa kanila at lahat ay gagawin nila para naman mas lalo silang makatulong sa bayan.
Magagaling ang mga tao ni Coll. Valdez at mana sila sa kanya na masipag at matatalino na kagaya rin ni Comm. Sid.
***
Kung noong una ay may mga corrupt na opisyal ang BoC, sa ngayon ay nabawasan na dahil takot sila sa “One Strike Policy” ni Commissioner Lapeña.
Kahit anong lakas ng ‘padrino’ nila kay Presidente ay hindi natitinag ang butihing Commissioner dahail alam niyang nasa tama siya at tapat na serbisyo publiko ang ipinapairal.
Mabuhay ang buong Bureau of Customs!
***
Congratulations sa buong BoC-NAIA District dahil sa matagumpay na 58th Founding Anniversary nila sa pangunguna ng butihin at napaka-energetic na District Collector Mimel Talusan.
Sulit ang kanilang pagod lalo si Coll. Emy Balatbat, Coll. Nelly Ochoa, Coll. Dez Mangaoang, Coll. Arnold dela Torre at lahat ng naging punong abala.
Congratulations!
Keep up the good work!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado