SIYAM na awards ang hinakot ng Tanabata’s Wife sa 3rd ToFarm Film Festival Awards Night na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La last Saturday, September 15.
Kabilang sa major awards na nakuha ng Tanabata’s Wife ang Best Picture, Best Director para kina Charlson Ong, Lito Casaje, at Choy Pangilinan; Best Actor para kay Miyuki Kamimura; at Best Actress for Mai Fanglayan. Nakuha ng pelikulang 1957 ang 2nd Best Picture award, at 3rd Best Picture ang Alimuom.
Ang veteran actor na si Richard Quan ang nanalong Best Supporting Actor (1957), samantala nagtabla naman para sa Best Supporting Actress sina Bayang Barrios (Kauyagan) at Gilleth Sandico (Sol Searching).
Ang iba pang nanalo ay: Best Screenplay – Tanabata’s Wife; Best Story – Hubert Pibi (1957); Best Cinematography – Nap Jamir (Tanabata’s Wife); Best Editing – May-i Guia Padilla (Tanabata’s Wife); Best Musical Score – Kurt Alalag, May-i Guia Padilla, Marc Tan (Tanabata’s Wife); Best Sound – Immanuel Verona (Mga Anak ng Kamote); at Best Production Design -Martin Masadao (Tanabata’s Wife).
Ang awards para sa Short Film category na tinawag na The Direk Maryo J Memorial Awards ay nakamit ng Sikap para sa Aning Ginto Award; Best Short Film –Panginoong May Lupa; 2nd Best Short Film –Kaluguran Da Ka, Ma!; at 3rd Best Short Film –Tahanan ng Isang Magsasaka.
Nakuha ng pelikulang ‘Sol Searching’ ang People’s Choice Award. Kabilang sa pinagkalooban ng special awards ng gabing iyon ang veteran actor na si Robert Arevalo bilang celebrity farmer, at sina Joey Romero at Bibeth Orteza.
Nagkaroon din ng tribute para sa namayapang si direk Maryo J. delos Reyes na siyang Festival Director ng ToFarm hanggang siya ay pumanaw.
Ang ToFarm ay mula sa vision at pamumuno ni Dr. Milagros How, presidente ng Universal Harvester Incorporated. Kabilang sa bumubuo ng jury ng 3rd ToFarm filmfest sina Manet Dayrit, Sigrid Andrea Bernardo, Moira Lang, at Jerrold Tarog. Host ng gabing iyon si Reb Atadero.
Anyway, mapapanood pa rin hanggang sa Tuesday, September 18 ang 3rd ToFarm filmfest sa Trinoma, Gateway Greenbelt 1, Robinson’s Galleria, SM Megamall, SM Manila, Gaisano Davao, at Ayala Legazpi (Bicol).
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio