Sunday , December 22 2024

Gahamang negosyante ng bigas dapat kasuhan

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na salakayin ang mga bodega ng bigas na pag-aari ng mga gahamang negosyante. Inatasan niya ang DILG at PNP na i-raid ang mga pinaghihinalaang bodega ng mga nasabing negosyante. Lubhang kawawa ang taong bayan dahil nagkaroon ng shortage sa bigas dahil sa mga ungas na negosyante

***

Walang ipinagkaiba sa presyo ng sibuyas na buwan pa lamang ng Mayo ay umaangkat na ang mga negosyante ng sibuyas sa Nueva Ecija, kanila itong inilalagay sa storage room. Noong buwan ng Mayo ay P20 kada kilo ang angkat, i-istorage ito nang ilang buwan, at pagsapit ng buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ay aabot na sa P80 hanggang P100 kada kilo. Isa ito sa dahilan kung bakit dumarating naman ang mga sibuyas galing sa bansang China.

***

Mga negosyante ang nagpapahirap sa sambayanan. Imbes ipagbili sa presyong mababa, gagawa at gagawa ng paraan ang mapagsa­mantalang  negosyante para maittas nila presyo.

***

Nagkakagulo at unahan sa pagbili ng NFA rice sa kagus­tuhang makabili ng murang bi­gas. Pero kung wala ang mga negosyanteng nanggigipit, ang mahal na bigas ay mabibili sana nang mura at ‘di na kailangan pang makipag-agawan sa pila makabili lang ng NFA rice.

***

Dapat nga bang gawing legal ang rice smuggling sa bansa para matustusan ang pangangailangan sa bigas? Ito ang suhestiyon ni DAR Secretary Emmanuel Piñol, ngunit hindi ito katanggap-tanggap kay Pangulong Duterte. Katuwiran ng Presidente hindi rice smuggling ang sagot kundi ang pagmo-monitor sa mga ne­go­syanteng nagtatago ng bigas sa kanilang bodega!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *