Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine sa balitang hiwalay na kay Ali —Tahimik ang buhay ko, maayos ang lahat

OKAY naman po ako ngayon. Tahimik ang buhay ko. Maayos naman ang lahat!” Ito ang naging kasagutan ni Cristine Reyes sa mismong presscon ng kanilang up-coming movie, Abay Babes na hatid ng Viva Films at idinirehe ni Don Cuaresma sa katanungan kung kamusta na ang kanyang lovelife?

Maaalalang naging palaisipan ang paghihiwalay nina Cristine at ng  asawang si Ali Khatibi na mas pinili ng una na manahimik at ‘wag ng magsalita pa sa tunay na dahilan ng kanilang paghihi­walay.

At ng muli itong matanong sa kung may gusto ba siyang baguhin sa nangyaring beach wedding nila ni Ali noong 2016?

Sagot ng flawless na actress, “Uhm, so far, hindi ko pa po naisip iyan. So hindi ko rin alam ‘yung isasagot ko.”

Pero kahit hindi nga naging matagumpay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa ni Ali na nauwi sa hiwalayan  ay naniniwala pa rin si Cristine sa kasal.

Kabituin ni Cristine sa Abay Babes sina Nathalie Heart, Roxanne Barcelo, Meg Imperial, at Miss International Kylie Versoza.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …