Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Snow World sa Outer Space

KUNG madadalaw kayo ngayon sa Snow World Manila, ang bubulaga sa inyo ay ang naglalakihang ice carvings ng mga character mula sa outer space. Iyon ang mga character na nagustuhan ninyo sa mga pelikula, telebisyon at maging sa mga komiks na ang kuwento ay tungkol sa outer space.
Mayroon ding ice figures ng iba’t ibang planeta, mga kometa at iba pang may kaugnayan sa kalawakan. Gusto rin kasi ng Snow World na ang kanilang mga display ay maging educational, bukod nga sa nakaaaliw.
Dinarayo pa rin sa Snow World Manila ang pinakamahabang man made ice slide na may habang 75 meters. Mas pinalawak pa ngayon ang kanilang “snow play area” dahil mas maraming nagbababad talaga sa lugar na iyon para maramdaman ang tunay na winter feeling. Sa Snow World lang kasi may totoong snow sa ating bansa. Riyan sinasabing nananatiling winter sa buong isang taon.
Kung kayo’y giniginaw na, maaari kayong humigop ng mainit na kape sa kanilang Snow Coffee bar na nasa first level sa may snow play area, at sa second level bago kayo magpadulas sa ice slide.
Maya’t maya ay makikita rin naman ninyong nakikipaglaro sa mga bata ang mga live snowman nila sa Snow World. Lagi rin silang may nakahandang photographers na kumuha ng pictures ng inyong mga snow adventure.
Ang Snow World ay makikita lamang sa loob ng Star City at bukas iyon tuwing weekends. Simula sa Setyembre 14, bukas na iyon araw-araw mula 3:00 p.m. kung weekdays at mula 2:00 p.m. kung weekends.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …