Monday , December 23 2024

Fake news sa Clark International Airport

NITONG nakaraang linggo ay naging viral sa social media ang pagwawala raw ng ilang pasahero mula Taiwan sakay ng Eva Air flight BR277D.

Desmayado raw ang mga pasaherong Taiwanese ng nasabing airline dahil inianunsiyo ng piloto na muli silang babalik sa Taiwan bunsod ng pagkagahol ng kanilang oras sa nangyaring kanselasyon ng mga flights patungong NAIA.

Matatandaan na isang Xiamen Airline ang nawalan ng kontrol at sumadsad sa madamong bahagi ng NAIA habang matindi ang ulan dala ng hanging habagat.

Dahil dito halos tatlong araw na nakansela ang lahat ng flights at ang iba naman ay na-divert sa iba’t ibang paliparan sa bansa.

Sa hindi inaasahang pangyayari, kumalat ang istorya na may ilang pasahero ng Eva Air na sinisisi ang pamunuan ng “Immigration” sa Clark International Airport dahil wala raw available na immigration officers para i-clear ang mga pasahero?!

Wattafak!?

Ito ang dahilan kaya tuluyan nang nagwala ang mga pasahero na ikinataranta ng airline crews ng Eva Air.

Pero mariin itong pinabulaanan ng kasa­lukuyang Terminal Head ng BI CIA na si Joseph Cuison.

Wala raw silang natatanggap na request mula sa pamunuan ng CAAP-CIA para payagan makapasok sa airport ang mga pasahero ng naturang airline.

Kung susuriin imposible nga naman na mawalan ng mga duty Immigration Officers sa CIA dahil hindi lang naman ang Eva Air ang nakapag-landing noong mga oras na iyon.

Maging ang iba pang airlines na binigyan ng clearance para sa kanilang landing permit ay wala naman naging problema sa kanila.

Para sa netizens na walang ginawa kundi ang mag-post ng viral videos, sana naman ay suriin mabuti at intindihin ang mga sitwasyon para hindi nagkakaroon ng misunderstanding ang madla lalo’t ang involve ay kaligtasan at ugnayan ng bawat mamamayan!

Kung minsan maiisip rin na sobra nang naa­abuso ang social media. Ginagawa lang itong paraan ng iba para makasira ng kara­ngalan!


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Life sentence sa 3 big time drug pushers (Tagumpay ng Taguig kontra droga — Mayor Lani)
Life sentence sa 3 big time drug pushers (Tagumpay ng Taguig kontra droga — Mayor Lani)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *