PINAIIMBESTIGAHAN ni NBI Deputy Director Eric Distor, CPA, ang nangyaring pagsunog sa COMELEC Cotabato na may kaugnayan sa mga terroristang Abu Sayyaf.
Inatasan agad ni Distor ang buong intel sa NBI upang bantayan mabuti ang mga bombing sa Mindanao na ikinasawi ng maraming sibilyan.
Inalerto niya lahat ang NBI operatives na lalo pang pagbutihin ang intel gathering sa Mindanao.
Kasama rin sa iniimbestigahan ang NCCC Mall of Davao sa Ma-a, Davao City na nasunog kasama ang Bureau of Fire Protection, Department of Justice at Department of Interior and Local Government noong 2017.
Sa ngayon, abala siya sa pag-iimbestiga sa shabu na nakapuslit umano sa BOC.
Kanyang ipinasu-subpoena lahat nang may kinalaman sa kaso at mangalap pa ng ebidensiya para matulungan din ang PDEA at BOC upang mapadali ang pagresolba sa kaso.
Ayon kay Deputy Distor inatasan siya ng Palasyo na maresolba agad ang kaso.
Sa ngayon ay patuloy ang lifestyle check nila sa mga tiwaling tauhan ng gobyerno sa BIR, DPWH, BI, BoC at iba pang corrupt agencies ng gobyerno.
Bilang Ombudsman din ng NBI, marami na rin siyang pinakasuhan na tiwaling NBI agent.
Sa nalalapit na anniversary ng NBI ay marami na namang preparation ang gagawin dahil isa siya sa inatasan ni Director Gierran na mag-prepare ng planning dahil bihasa rin siya rito.
Congrats sa iyo Deputy Eric Distor, pride ka talaga ng Davao!
God bless us all!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado