Friday , November 15 2024

Soliman kinasuhan ng Customs sa multi-million rice smuggling at pananabotahe sa ekonomiya

KUMBAGA sa damit, kahit ano’ng laba at kula ang gawin ay hindi na kayang paputiin ang mantsadong pangalan ng “negosyanteng” si Jomerito “Jojo” Soliman sa larangan ng rice smuggling at pana­na­botahe sa ekonomiya ng bansa.

Panibagong kaso ng ”large-scale smug­gling of agricultural products at economic sabotage” ang isasampa ng Bureau of Customs (BoC) laban kay Soliman at ilan niyang tauhan sa Department of Justice (DOJ).

Si Soliman, president at general manager ng Santa Rosa Farms Products Corp., kasama sina Dolores Opancia, chief financial officer; Mary Grace Cayanan and Marileen S. Avañez, direc­tors, at customs broker na si Diosdado M. San­tiago, ay kakasuhan dahil sa ilegal na importasyon ng 50,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P120,707,596.00 pero walang kaukulang import permit ng National Food Authority (NFA).

Ang rice shipment na tinangkang ipuslit ng pangkat ni Soliman ay mula sa Vietnam at nasabat ng Customs sa Manila International Container Port (MICP).

Kabilang sa mga isasampang kaso laban sa pangkat ni Soliman ang paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act (RA 10845) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).

Ang agricultural smuggling, kasama ang bigas na may halagang P10 milyones, pataas, ay swak o pasok sa kasong economic sabotage na walang piyansa.

‘Pag nagkataon, habambuhay ang bubunuin ng pangkat ni Soliman sa bilibid na katapat na parusa laban sa agricultural smugglers at mga kasabwat, at multang doble sa halaga ng ipinuslit na produkto, kasama ang mga buwis na hindi binayaran sa pamahalaan.

Kasi naman, basta’t rice smuggling ay perennial ang paglutang ng pangalan ni Soliman kaya’t hindi na tayo nagtataka.

Katunayan nga, si Soliman ay may hiwalay pang kaso ng rice smuggling na isinampa rin ng Customs noong June 2017.

Noong July 13 ay 150 containers ng rice shipment ni Soliman ang kinompiska ng gobyerno at isinubasta noong July 17 at 18 sa halagang P177,990,888, habang 50 containers ang naideklarang inabandona sa MICP.

Kamakailan lang ay narinig natin ang radio interview ni “Boy Tarugo” kay Soliman sa isang network.

Siyempre, todo ang tanggi na smuggler siya, hehehe!

Pero kahit araw-araw pa siyang interbyuhin sa radio program ni “Boy Tarugo,” hindi na mabubura ang rice smuggling na matindi ang kapit sa balat ni Soliman, walang ipinagkaiba sa Dalmatian na batik-batik.

Pang-ilang round na ba ito na nakasohan si Soliman sa smuggling at hoarding ng bigas na parehong pasok sa economic sabotage? ‘Di ba maraming beses na?

Ganyan daw talaga hangga’t hindi nasa­sampolan ay walang tigil, lalo’t laging lusot sa krimen.

Pero totoo kaya ang bali-balitang bukod kay Secretary Galunggong ay malakas din daw sa Palasyo ang damuhong si Soliman?

Santisima!!!

PLUNDER VS. BELLO
SA P1.9-B DOLE FUNDS
NA ‘DI MAIPALIWANAG

HINDI naman naipaliwanag ni Sec. Silvestre Bello III sa nakaraang budget hearing sa Kamara ang P1.9-B pondo para sa “employment assist­ance” ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nabisto sa 2017 audit report ng Commission on Audit (COA) na sa “other programs and administrative expenses” ginamit ang nasabing halaga mula sa P2.5-B pondo na nakapaloob sa General Appropriations Act (GAA) para sa nakaraang taon. Lumalabas na P600-M lamang ang nagasta para sa mga jobless workers.

Ang kabuuang pondo ay ipinagkatiwala sa mismong opisina ni Bello (Office of the DOLE Secretary) at 5 porsiyento lamang ang puwedeng waldasin, ‘este, gastahin sa administrative cost.

‘Di ba labag sa batas ‘yan na posibleng pumasok sa kasong plunder laban kay Bello – kung saka-sakali?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *