Friday , November 15 2024

Lim idinepensa si Duterte

IDINEPENSA ni dating Manila Mayor Alfredo Lim si Pang. Rodrigo “Di­gong” Duterte laban sa mga nagkakalat ng fake news at paninira tungkol sa kalusugan ng pa­ngulo.

Sabi ni Lim, imbes mag­­hangad na may masa­mang mangyari sa ating Presidente, mas makabubuting ipana­langin natin ang patuloy na pagiging maayos ng kanyang kalusugan at tagumpay ng kanyang pamumuno sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Lim sa ‘PDP Cares’ anniversary, na sinabi din niyang malamang ay mas mabaon pa ang bansa sa mas malalang problema ng illegal drugs at iba pang krimen kung hindi si Presidente Rodrigo Duterte ang may hawak ng pamumuno sa Filipinas.

“As it is, we have a President who can ‘walk the talk’ and shows no mercy for criminals and yet, there are still some who persist in taking the wrong path. What more if our country’s leader is not as tough as President Duterte? Can you imagine?” ani Lim.

Aniya, base na rin sa kanyang karanasan, ang pakikipaglaban sa masasamang-loob sa loob at labas ng gobyerno ay napakahirap gawin.

Si Lim ay dating namuno sa National Bureau of Investigation, the Interior and Local Government Department at sa noon ay Western Police District, bukod pa sa pagiging dating mayor at Senador.

Batay sa kung gaano kagrabe ang mga uri ng krimen at kriminal sa buong mundo kasama na ang bansa, mahalaga umano ang pagkakaroon ng isang lider na matigas ang paninindigan, may kamay na bakal at tunay na determinadong walisin lahat ng uri ng krimen kahit ano ang mangyari, gaya ng Pangulo.

Idinagdag niya na ang pahayag ni President Duterte sa iniisip na pagbibitiw ay hindi dapat bigyan ng literal na interpretasyon dahil maliwanag na ito ay pagpapahayag lamang ng sobrang pagkadesmaya at pagod sa kahahabol sa mga gumagawa nang ilegal.

Sa dami ng mga naaresto, nakasuhan at natim­bog sa patuloy na matapang na kampanya laban sa illegal drugs at sa dami rin ng government officials na nasibak dahil sa korupsiyon, dapat lamang umanong maunawaan ng mga Filipino ang mga hugot ng Pangulo.

“Instead of engaging in fault-finding or wish­ing the President ill, we all should support his goals toward a drug-free and corruption-free country and contribute to the government efforts toward this direction  in whatever way we can,” ani Lim.

Binigyang-diin ni Lim na iisa lamang ang ating bansa at Pangulo, at ang anomang magiging tagumpay nito sa pamumuno ay buong bansa at sambayanan ang makikinabang.

EGCO & CO., KADUDA-DUDA
VS. AMPATUAN, MGA AKUSADO
SA MAGUINDANAO MASSACRE

Sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, desmayado raw si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa ginawang pagpayag ng hukuman na makadalo si dating ARMM governor Zaldy Ampatuan sa kasal ng anak na babae, kamakailan.

Si Ampatuan ay kabilang sa mga pangunahing akusado na nililitis ng hukuman kaugnay ng Maguindanao massacre at maramihang pagpatay sa mga miyembro ng media noong 2009.

Ang pagdalo ni Ampatuan sa kasal ng anak na babae sa Sofitel nitong Martes (Aug. 21) ay pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court sa kabila ng mahigpit na pagkontra ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ).

Buti pa si Pres. Digong at ang Palasyo ay nadesmaya, pero si Joel Egco at ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ay wala man lang ginagawa.

May iba sigurong pinagkakaabalahan ang damuhong si Egco kaya ni ha, ni ho ay wala man lang tayong narinig mula sa kanila laban sa ibinigay na furlough kay Ampatuan.

Mas importante ba kay Egco na panghi­masukan ang bangayan ng dalawang press club sa Department of Interior and Local Government (DILG) na balitang pinag-aawayan ang P100-M pondo na gagamitin sa propaganda ng federalismo kaysa bantayan ang pag-usad ng kaso sa hukuman laban sa mga Ampatuan?

Ang masaklap ay hindi pa nakahahalata ang Palasyo kay Egco hanggang ngayon.

Ano‘ng relasyon ‘mayroon’ si Egco and Company sa mga Ampatuan na hindi natin alam?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *