LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagkabalaho ng Xiamen Air nitong nakaraang Biyernes sa runway ng nasabing paliparan.
Dahil nakabalaho sa runway, natural maraming eroplano ang hindi nakaalis at nakansela ang flights. Habang ang mga dumarating naman ay sa Clark International Airport (CIA) pinalapag.
Ang resulta, napuno ng mga pasahero ang NAIA at CIA, dahil maraming pasahero ang ayaw nang bumalik pa sa kanila at naghintay na lang na makabalik ang normal operation sa airport.
Ang siste, habang namamalagi sila sa NAIA, hindi naman sila inasikaso ng mga eroplanong kanilang sasakyan.
Supposedly, kargo ng airlines kung saan nila ilalagay ang kanilang passengers para hindi magmumukhang miserable ang kalagayan.
Pero ang nakapagtataka, mukhang nalimutan ng ilang airlines ng kanilang pangako sa mga pasahero.
Karamihan ng mga umaangal ay pasahero ng Philippine Airlines (PAL). Hind raw nila akalain na ganoon ang magiging kalagayan nila.
E kaya nga sila personal na bumili ng tiket sa mga airline company na ‘yan para protektado sila.
Ang siste, nang magkaroon ng aberya, nalimutan na sila.
Sawang-sawa na tayo sa ‘press release’ ni Ms. Cielo, pero sa totoo lang, hindi natin nakita ang PAL na nagpakita ng concern sa kanilang mga pasahero lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na alalang-alala dahil wala naman silang baon na malaking halaga at hindi nila kayang umorder nang umorder ng pagkain sa mga food establishment sa loob ng NAIA.
Hindi rin natin maintindihan kung bakit marami ang galit na galit sa MIAA officials gayong hindi naman sila nagpabaya at hindi naman nila gusto na mabalaho sa runway ang Xiamen Air.
Kung mayroon mang may kasalanan, bakit hindi muna magtulungan para maiahon ang nabalahong aircraft saka magkaroon ng assessment, maglabas ng official statement saka panagutin kung sino ang dapat managot.
Kahit naman sisihin nang sisihin ang MIAA or CAAP officials, may mangyayari ba kung walang kikilos?!
Tumulong at umaksiyon, huwag namang puro bibig at laway lang.
‘Yun ‘yon e!
MEMO NG PCOO BABALA
SA MGA AKSIYONG PASAWAY
NG KANILANG MGA OPISYAL
BUMILIB tayo kay PCOO Undersecretary Lorraine Badoy, Undersecretary for New Media and External Affairs, nang magbabala at paalalahanan niya ang mga kasamahan na ang bawat isa sa ahensiya ay may krusyal na papel sa ating bansa.
Hinikayat ni Badoy, chairperson din ng PCOO Gender and Development Focal Point System (GFPS) Executive Committee, na ang bawat isa sa ahensiya ay dapat na maging ‘mindful when dealing with gender-sensitive issues.’
Aniya, ang mga public official at mga kawani ay napapailalim sa mga provisions of sections ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ani Badoy, sa Section 4 ng nasabing batas ay isinasaad na, “that public officials should observe professionalism.”
Dagdag niya, “Public officials and employees shall perform and discharge their duties with the highest degree of excellence, professionalism, intelligence, and skill. They shall enter public service with utmost devotion and dedication to duty.
“They shall endeavor to discourage wrong perceptions of their roles as dispensers or peddlers of undue patronage.”
Inilabas ni Badoy ang nasabing memorandum
Ilang araw matapos kondenahin si PCOO assistant secretary Mocha Uson dahil sa kanyang kontrobersiyal na federalism video na nagpapakita ng lewd dance, habang itinuturo ang maseselan at pribadong bahagi ng katawan ng isang babae.
Dahil doon nalagay na naman sa alanganin ang Palasyo.
Paala lang po: Next time bago umepal (official man o kawani) huwag kalilimutan ang RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard).
‘Yun lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap