Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanda, Ben at Erwin, nagisa sa senado

READ: ‘Di pagpapabayad ni Ai Ai, wag gawing big deal

TULFO GUISADO ang kinalabasan ng tatlong magsyusyupatembang na sina Wanda, Ben, at Erwin sa mga senador na nag-iimbestiga tungkol sa maanomalyang million-peso advertising contract sa PTV 4 at ng media company ni Ben.

Marami na ang nasabi’t nasulat sa ginanap na pagdinig sa Senado, tulad na lang ng “patawa” ni Wanda na all along ay hindi niya alam na si Ben ang may-ari ng Bitag.

Kahit malinaw namang palusot lang ‘yon ng dating Tourism Secretary, nakadagdag pa sa pagdududa ng publiko ang pag-display niya ng kanyang mamahaling Hermes bag.

Wala rin daw milyong piso ang isasauli ni Ben dahil nagastos na ‘yon o ang malaking bahagi nito. Taliwas ‘yon sa mariin pa ring deklarasyon ni Ben na legal ang kanilang naging transaksiyon.

Which leaves us one more sibling, si Erwin. Sa kanya kami sesentro ngayon.

Ilang buwan ang nakararaan ay humarap siya sa ilang piling miyembro ng entertainment press. Doon naitanong sa ipinatawag niyang presscon ang balak niyang pagtakbo sa Senado sa darating na May 2019 elections.

Nagulat nga si Erwin dahil kabilang siya sa talaan ng mga senatoriable. Eh, paano na ‘yan ngayong nasa hot water siya at dalawang kapatid?

Mabigat ang batikos kina Ben at Erwin na kapwa mga kagawad pa mandin ng pamamahayag, pero sangkot sa ganitong usapin.

Matatapang kasi sila kung bumira ng mga tiwaling kawani ng gobyerno, pero kamukat-mukat mo, sila pa pala ang dapat bumira sa kanilang mga sarili.

Pansin lang namin, panay ang banat ng Ingles ni Erwin. Ang alam kasi ng publiko’y ang may American accent (na huwad naman) ay si Ben.

Sana lang ay mas gumamit si Erwin ng Tagalog. Ingles kasi siya nang Ingles, mali-mali naman.

Sana’y kung anong guwapo’t tikas ng kanyang tindig ay hinaluan niya ‘yon ng pananalitang hindi kalibak-libak tulad ng pag-i-Ingles na kahit grade one student ay pagtatawanan siya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …