Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Wala bang ‘diyos’ kapag weekend tuwing may matinding ulan?

BUKOD sa nakalulunos at nakatatakot na karanasan ng mga kababayan nating sinalanta ng baha, may isa pang pagkakapareho sa pananalanta ng bagyong Ondoy ang karanasan natin nitong Sabado at Linggo — parehong weekend ito nangyari.

Ang Ondoy noong 24-26 Setyembre 2009, ang buntot ng bag­yong Karding na sinabayan ng habagat ay nitong nakaraang weekend 11-12 Agosto 2018.

Noong panahon ng Ondoy, kahit lumubog sa baha ang mara­ming lugar sa Metro Manila, Rizal, Cavite at Central Luzon hindi natin nata­tan­daan na naputol o nawalan ng tubig ang Maynilad.

Tuloy-tuloy lang ang serbisyo ng tubig.

Pero itong nakaraang habagat, maraming naprehuwisyo nang wala man lang abiso ang Maynilad na magpuputol sila ng tubig.

Noong marami nang nagalit dahil wala man lang silang ibinigay na alternatibong serbisyo sa mga nawalan ng tubig, saka lamang naglabas ng pahayag ang Maynilad

Lumabo raw ang tubig sa Ipo Dam at mas maraming ‘sediment concentration’ ang nakalulusot kaya ipinasya nilang bawasan ang pro­duksiyon ng kanilang La Mesa Treatment Plants.

Kapag binawasan daw kasi ang produksiyon ay magagawang alisin ang dumaming sediments mula sa raw water habang isinasagawa ang “treatment” bago magpalabas ng potable water patungo sa distribution system. Kaya nakararanas ng mababang pressure hanggang mawalan ng supply ng tubig.

‘Yan ang paliwanag ng Maynilad.

Pero ‘yang paliwanag na ‘yan ay inilabas nila nang magalit na ang mga tao.

Kabilang riyan ang mga nasa apektadong areas ng ilang barangay sa Bulacan, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Mun­tin­lupa at Cavite.

Sa Maynilad po ‘yan…

Pero ang labis nating ipinagtataka, kapag natatapat na weekend dumarating ang bagyo o habagat, matinding aberya ang inaabot ng sambayanan.

Bakit?

Wala bang ‘diyos’  kapag weekend lalo na ka­pag matindi ang pag-ulan?

Sa madaling sabi, lahat ba ng bossing ng mga ahensiyang dapat mangalaga sa mga mama­mayan tuwing may kalamidad ay may week-end get-away at hindi man lang nag-iiwan ng skeletal force?!

Sonabagan!

Nasa serbisyo publiko po kayo wala po sa mga pribadong kompanya.

Sana’y tiyakin ng NDRRMC lalo na kapag ganitong panahon ng tag-ulan at tag-bagyo na ang mga bossing ng mga ahensiyang nakapaloob sa kanila ay naririyan at wala sa ibang bansa o saanmang lamyerdahan.

Puwede ba ‘yun mga kagalang-galang na opisyal ng NDRRMC?!

Risk reduction nga ang trabaho ninyo ‘di ba?!

KAMARA BINUSISI
ANG PAGDAGSA
NG “GIs” SA BANSA

NITONG nakaraang Lunes, tinalakay sa briefings ng House Committee on Appropriations ang Department of Justice’s proposed budget for 2019. Ngunit kasabay nito, inihayag din ng ilang mambabatas ang kanilang obserbasyon sa nakaaalarmang tuloy-tuloy na pagdami ng mga mainland Chinese national sa ating bansa.

Tahasang inurirat nina Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon kasama si MAGDALO party-list Rep. Gary Alejano ang walang habas na pagdagsa at san­damakmak na mga tsekwang nagtatrabaho o tuluyang nanirahan na sa ating bansa.

Ayon sa kanilang datos, umabot na umano sa tatlong milyon o sobra pa ang bilang ng mga nasa­bing dayuhan mula pa noong 2016. Kahit nga raw sa distrito ni Biazon ay napansin niya na biglang naglipana ang mga singkit sa kanilang lugar!

Muli namang ipinaalala ni Alejano sa mga taga-DOJ ang kanyang request sa Bureau of Immigration na magbigay ng opisyal na bilang ng mga nasabing banyaga. Inihayag din ni Alejano ang kanyang disgusto at pagka­desmaya dahil tila binalewala ng ahensiya ang kanyang sulat noong 3 Mayo 2018 hinggil dito.

Tugon ni BI Deputy Commissioner Toby Javier, tanging turismo at investment purposes ang dahilan ng pagdami ng mga Chinese national sa ating bansa.

Excuse me po Sir Toby, nalimutan ‘ata ninyo na ang karamihan sa mga mainland Chinese ay pawang sa casino at online gaming nagtatra­ba­ho at hindi po turista o investor — mga empleyado!

Sa Senado, nagawang maghain ni detained lady Senator Leila de saba ‘este de Lima ng isang resolution na humihiling ng isang “congres­sional probe” tungkol sa problemang ito.

Ayon sa kanya, posible raw na magbunga ito ng pagtaas ng rentahan at presyo ng real estate na makaaapekto sa mga kababayan nating Pinoy lalo na ang mga naninirahan sa malapit sa mga casino at resorts.

Hindi malayo na maetsapuwera sila dahil sa ibinibigay na pribilehiyo sa mga tsekwa na umo­okupa sa nasabing mga establisimiyento!

May punto rin nga si lola Laylay ‘este Leila pagdating sa bagay na ito.

Sa mga condominium lang diyan sa Macapa­gal Avenue ay halos wala nang umuupang Noy-pi. Halos na-invade na ng mga pulutong ng “G.I.” as in Genuine Intsik ang lahat ng condo units sa naturang lugar.

Solb na solb na nga ang mga negosyante sa lugar na ‘yan na nagtayo ng Chinese restaurants, KTV club, spa, money changer shops pati na grocery stores dahil sigurado na ang benta nila sa mga dayuhan.

Well, palagay natin ay mahihirapan ang mga mambabatas na busisiin ang problemang ito.

Bakit ‘kan’yo?

E mismong ang ating Pangulo nga ay dedma lang kung ang pag-uusapan ay tungkol sa mga GI, ‘di ba?

Basta huwag lang involve sa droga ay walang maririnig kay Tatay Digs.

Hehehe!

By the way, bakit hindi si online gaming king Kim Wong ang ipatawag ng mga congressman at tiyak mas malilinawagan sila sa paglobo ng ‘GIs’ sa bansa natin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *