Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klaudia Koronel, wish muling makatrabaho sina Michael V. at Joey de Leon

READ: Rochelle and Jimwell, bagong business ang Skinfrolic by BeauteDerm

MAGBABAKASYON sa Filipi­nas ang dating aktres na si Klaudia Koronel. Habang nasa bansa ay gustong saman­ta­lahin ni Klaudia ang pagka­kataon upang muling sumabak sa pag-arte.

Noong late 90s, isa si Klaudia sa pambatong stars ng Seiko Films ni Robbie Tan. Mula sa paggawa ng ST or Sex Trip movies, gumawa si Klaudia ng mga pelikula sa Regal Films at nagmarka sa pelikulang Live Show na nakakuha siya ng nominasyon as Best Supporting Actress sa Gawad Urian.

Sumabak din si Klaudia sa sitcom na Kiss Muna ng GMA-7 bilang isa sa leading leadies ni Joey de Leon at naging semi-re­gular sa Bubble Gang. Naging bahagi rin siya ng seryeng Mga  Anghel na Walang La­ngit ng ABS CBN noong 2005.

Eight years nang naninirahan si Klaudia sa US, iniwan niya noon ang showbiz upang ipag­pa­tuloy ang pag-aaral ng kolehiyo. Ngayon ay may pamilya na siya at amina­dong bukod sa anak na 12 year old, miss na niya ang mundo ng showbiz.

Pakli ni Klaudia, “May nagka-interes sa condo ko sa The Fort, I have to let go dahil hindi ko naman naaasikaso dahil malayo ako.

“May gagawin nga akong indie film dito sa US and I think ‘pag naayos na papers ko rito, babalik ako paminsan-minsan diyan, kasi talagang nami-miss ko ‘yung pag-acting. Iyon siguro talaga kung bakit napansin ko ‘yung mga nag-aartista na nagpunta rito sa US e, bumabalik sila riyan, kasi kung talagang ‘yon ‘yung original work mo, haha­nap-hanapin din ng katawan mo ang pag-aartista.”

Ayon pa kay Klaudia, na-miss niya nang husto ang pagsa­bak sa comedy at drama. ”Dati ‘di ko nare-realize ‘yung mga kasama kong mga sikat, like sa Channel 7, sa Bubble Gang, sina Ogie Alcasid at Michael V., sina Joey de Leon. Parang normal lang silang katrabaho, pero nga­yon na-realize ko, nakaka-miss din pala na makasama sila na mga institusyon na sa showbiz.

“Sana ay makatrabaho ko ulit sila…Wish ko rin na maka-acting ulit sa drama like sa Maalaala Mo Kaya? at sa Magpa­kailanman.

“Pinak-miss ko ‘yung mga nakatrabaho ko sa showbiz, lalo na sa ABS CBN at GMA-7. Iyon ‘yung good memories ko sa showbiz, magagaling na direktor na nakasama ko, mga manager ko na nag-alaga sa akin, maba­bait na reporters na tumutulong sa akin, noong na-discover nila na may talent pala ako sa comedy, sa drama, sa action, na puwede pala akong maging kontrabida, puwedeng bida. Ang nakatutuwa, pati pagkanta, kailangan subukan, hahaha! Nakita ko rin na may talent pala akong sumayaw,” saad pa ni Klaudia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …