Saturday , November 23 2024

Vhen Bautista a.k.a. Chino Romero may karapatan sa parangal na “Pinoy Smule King 2018”

READ: Bagani huling linggo na: Pagligo ni Enrique at paghawak ng sword favorite scenes ni Liza Soberano

DEKADA 90 palang ay popular na ang pangalang Vhen Bautista na naging patok sa mga kapwa Ilocano ang inirekord na Ilocano songs dahilan para tanghalin siyang “Prince of Ilocano Songs.”

Noong 1998 naman ay kinuha si Vhen gamit ang bagong screen name na Chino Romero at nagkaroon ng hit na kanta na “Walang Ibang Mahal,” composed ni Boy Christoper at may 1.1-M views na ngayon sa YouTube. Nagkaroon ng mall shows si Chino at dahil mahusay na performer ay naging crowdrawer siya. Ngayon ay may panibagong career si Chino na matagal nang naka-based sa California kasama ng kanyang pamilya, ito ang pagiging no.1 popular sa sikat na Online Sing-Along na SMULE.

At dahil sa kasikatan ng nasabing recording artist at internet radio personality (Chino) sa SMULE sa buong mundo ay bibigyan siya ng parangal ngayong 18 Agosto 2018 sa 17th Annual Gawad Amerika bilang

“Pinoy Smule King for the year 2018” at personal niya itong tatanggapin at maghahandog ng sariling awitin na “Ina” na handog niya sa lahat ng mothers worldwide.

Two years ago, noong ibinigay ng isang OFW na si Sylevester Stallon Kugtar, ang isang tula na ang pamagat ay “Ina.” Nagustuhan agad ito ni Chino, binasa niya ito sa kanyang programa sa radio online radio (Awit at Tula) na naririnig sa TBI online Radio tuwing Sabado ng gabi o 10-12 am sa Philippine time. Ang daming nagkagusto sa nasabing tula. Paglipas ng isang taon, naisipan ni Chino gumawa ng isang kanta para sa kanyang Mother’s day presentation sa kanyang page na Vhen Bautista a.k.a Chino Romero. Dito niya niya ipino-post ang kanyang mga awit mula sa SMULE, maging solo man ito o may duet na OFW.

Nilapatan niya ng melody ang tula, iniksian ang lyrics dahil sobrang haba. Inayos ang musika ng kanyang kaibigan at musical arranger na si Israel Allen Pascua na nasa Saudi Arabia. Inisponsoran ng kanyang number 1 supporter na si SGlynne ng Canada ang paggawa ng minus one.

A week before Mother’s Day, nai-post na ni Chino ang awitin mula sa Smule, sa pag-aakala niyang Mother’s Day na kinabukasan, nagkamali pala dahil masyado pang maaga.

Pagkatapos ng isang araw, nagulat si Chino at Sylvester dahil umabot na ng 100K views. Hanggang umabot ng isang milyong na mahigit tatlong araw pa bago Mother’s Day.

Patuloy ang pag-akyat ng views, ‘yon pala ginamit ng mga nasa Facebook na greetings sa messenger nila para sa kanilang mga nanay. Habang nagba-viral ang awit, naospital naman ang Nanay ni Chino dahil sa sakit na Diabetes at nagkaroon ng komplikasyon.

“Napakasakit ang nangyari sa akin tito Pet (tawag niya sa inyong columnist) dahil ‘yung time na ‘yon, nasa bakasyon kami ng aking pamilya, at malayo ako dahil nasa Filipinas ang aking nanay at nandito ako sa Amerika. Habang nasa Montreal Canada kami, ay ibinalita ng aking kapatid na babae na si Thea, lumala ang kondisyon ng aking nanay noong nasa Newark na kami ng aking pamilya, noon binawian ng buhay ang aking mother na siyang naging inspirasyon ko sa paggawa ng awiting ito.

“Noong inire-record ko nasa harap ko ang kanyang larawan, ‘di ko alam na sa taong ‘yan (2017), mawawala na pala siya. Naniniwala ako na ako’y ginagabayan ng aking ina na nasa taas na kaya ako’y sinusuwerte as far as my singing career is concern. Laging siya ang unang taong nakaririnig ng aking mga composition bago ko i-final na i-record ang aking mga awit.

“Mahirap pala mawalan ng Ina, ang sakit sakit sa dibdib. Kapag nakakikita ako ng mga bagay na nakapagpapaalala sa kanya, ‘di ko mapigilang tumulo ang aking mga luha.

“Sabi nga ng aking supporter na madalas rin mag-sponsor na si Florentina Echalar Sipin ng Virginia USA, ganyan talaga Chino, mahirap mawalan ng ina lalo na ikaw ang bunso at wala ka sa kanyang tabi nang siya’y pumanaw, ipag-pray mo lang siya lagi dahil ganyan din ang kanyang ginagawa sa taas, binabantayan ka niya.”

Ang awiting “Ating Ina” so far ay umabot na sa 7.6 million views sa Facebook at patuloy na nadaragdagan.

Itong awit na  “Ang Ating Ina” ay kabilang sa mga awit ng kanyang album na Love & Worship released by Aweng Records USA distributed worldwide by Cdbaby.com, available din sa iTunes, YouTube, Pandora, Amazon at Spotify.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *