Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) ibabalik

GAGARANTIYAHAN na ng batas ang permanenteng pagpapangalan sa Clark International Airport (CIA) Bilang Diosdado Macapagal International Airport (DMIA).

Ito ang isinusulong ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Pampanga bilang pagtatanggol sa pangalan ng kauna-unahang Kapampangan na naging pangulo ng bansa.

Masyado yatang nainsulto ang mga Pampangeño nang palitan ni ex-PNoy (Kapampangang Tarlaqueño) ang paliparan na ipinangalan sa kanilang kababayan na si Ka Dado Macapagal at ipinakulong pa ang anak na si dating Pangulo ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Pero sa pagkakataong ito, titiyakin na ng mga Pampangeño na hindi na matatanggal ang pangalan ng tatay ni SGMA sa paliparan na nasa Angeles City dahil isusulong nila ito sa Kamara.

Sabi nga ni Councilor Edu Pamintuan, ang pagbabalik ng pangalan na DMIA para sa airport ay alinsunod sa revised guidelines ng National Historical Commission na nagsasaad na ang pagpapangalan ay dapat na mayroong historical and cultural significance at nag-aambag ng positive development para sa national pride batay sa accomplishments ng paghahanguan ng pangalan.

Siguro nga, kailangan tiyakin ng mga Pampangeño na hindi na mabubura ang pangalan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa paliparan na nasa Angeles City na dating nakapangalan kay dating US Air Force aviator, Major Harold Clark.

Hinangan na po ninyo ‘yan at tiyakin na maaaprobahan sa Kamara ang permanenteng pangalan na Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) nang sa gayon ay hindi na mabiktima ng pamomolitika, habang si GMA pa ang Speaker of the House.

Sulong Pampangeño!

ECONOMIC BRIGHT
BOYS NI DIGONG
AYAW SA FEDERALISMO

ANG Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay parang choir…

‘Yun lang, choir na iba-ibang piyesa ang kinakanta sa iisang pagkakataon.

Kung ang kanilang conductor (Digong) ay kumukumpas para sa Federalismo, tila kuma­kanta naman ng kontra-piyesa sina Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III at Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Ayon kay Dominguez, kakailanganin ng gobyerno ng P131 bilyones sa unang taon ng transisyon habang sinasabi ni Pernia na magiging ‘sakuna’ ang federalismo sa ibang rehiyon.

Sa panahon na isinusulat ang borador nito nina dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno at iba pang dekano ng mga law at economic schools o ang bumubuo ng ConCom sa bansa, hindi natin naririnig ang mga reak­siyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng pama­halaan.

Nanatiling estranghero sa publiko ang federalismo at maging ang tagapagsalita ng ConCom na si Ding Generoso ay hindi naririnig na nagpapaliwanag ukol rito.

Kaya naman mukhang lalong bumilib si Pangulong Digong kay Mocha dahil sa kontrobersiyal na ‘pepe-dede ralismo’ nila sa youtube ay biglang pinag-usapan ang fede­ralismo.

‘Yun lang, hindi sa tunay na esensiya nito, kundi sa pamamaraan kung paano ito pina­tampok ng PCOO.

Hindi natin alam ngayon kung magtata­gumpay pa itong federalismo gayong ang administrasyon mismo ni Tatay Digs ay hindi buo rito.

Paano na? Ang laki na nang ginastos dito.

Nganga na naman ba ang sambayanang Filipino?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *