Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Sandaang Taon ng Philippine Cinema ngayon buwan ng Agosto, ipinakilala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang anim na pinarangalang mahuhusay na independent films na kabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Special Feature Section sa press launch nitong 1 Agosto 2018 sa Lungsod ng Quezon. Binuksan ng FDCP ang PPP Special Feature Section para sa mga katangi-tanging independent films na nagkamit ng pagkilala sa malalaking independent film festival sa bansa. Ang mga ito ay Balanginga: Howling Wildernes ni Khavn (QCinema207), Gusto Kita with all my Hypothalamus directed by Dwein Baltazar (Cine Filipino), High Tide directed by Tara Illenberger (ToFarm 2017), Kikko Boksingero ni Thop Nazareno, (Cinemalaya 2017), Paki ni GianCarlo Abraham (Cinemaone Originals 2017) at Tu Pug Imatuy dinirehe ni Arnel Barbarona (Sinag Maynila 2017) ay ipapalabas lahat sa piling sinehan nationwide simula 15-21 Agosto 2018 kasama ang PPP main entries.
Ipapalabas ang Special Feature Section ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 mula 15-21 Agosto sa SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, Gateway Cineplex and Robinsons Galleria.
“We are very grateful and proud that PPP gets to screen these six films which are more than worthy to be watched and appreciated by a wider audience, (Ikinagagalak at ‘pinagmamalaki namin na ang anim na pelikulang ito ay kasamang ipapalabas sa PPP na karapat-dapat mapanood at ma-appreciate ng mas malawak na audience),” ani FDCP Chairperson Liza Diño sa press launch.
“This month is certainly an exciting time for Philippine Cinema as all types of Filipino films that we have today will be featured, (Kaabang-abang ang buwan na ito sa Philippine Cinema dahil lahat ng klase ng pelikulang Pilipino na meron tayo ngayon ay ipapalabas),” dagdag ni Diño.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma