Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kilala ni DFA Sec. Alan Cayetano si ex-PNoy dahil magkasama sila sa Senado

HINDI tayo nagtataka kung bakit matikas ang tindig ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano laban sa mga pang-uuyam ni dating pangulong Noynoy.

Siyempre, kasi matagal din silang nagkasama bilang mga mambabatas sa Senado.

Hindi tayo nagtataka kung ang tingin ngayon kay ex-PNoy ng mga batikan at beterano sa politika ay mukha siyang ginagawang ‘parrot’ ng grupo nila na nagpapakilalang oposiyon kuno.

Kaya naman habang humuhupa ang tensiyon sa pagitan ng Filipinas at China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea, walang tigil ang grupo nina ex-PNoy sa pagbatikos sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Kamakailan binira ni ex-PNoy ang kawalan ng transparency ng gobyerno ni Duterte sa mga ginagawang hakbang para ipaglaban ang karapatan nating mga Filipino sa West Philippine Sea.

Ipinagmalaki ni PNoy na ‘transparency’ daw ang isang “hallmark” o tatak ng kanyang administrasyon.

Pero sabi nga, look who’s talking?!

Hindi inurungan ni Cayetano ang mga pasaring ni ex-PNoy laban sa kanyang pamumuno at sa kasalukuyang tinatahak na daan ng foreign policy ng Filipinas.

Kaya nang nagpukol ng 11 tanong si Cayetano na makapagbibigay-linaw sa puno’t dulo ng problema ng pagkawala ang Scarborough Shoal noong 2012, ano ba ang naging tugon ni ex-PNOy?

Ibinida ni ex-PNoy na wala silang itinatago, nag-abang ang buong bayan kung ano ang kanyang isisiwalat. Ngunit nabigo tayo dahil hungkag pa sa ampaw ang sagot.

Tila isang rumerepekeng latang-batingaw nang kastigohin ni ex-PNoy si Cayetano. Hindi raw  ‘transaparent’ sa taong bayan ang mga hakbang nina Secretary Cayetano.

E bakit bigla niyang sinabi hindi raw niya maaaring ilabas ang “information at intelligence playbook” dahil makikita raw ng China ang kanilang strategy?!

Kunsabagay may bago ba sa pagdo-double standard ni ex-PNoy tungkol sa transparency?!

Siya ang nagsimulang bumatikos sa patakaran ng Duterte administration ngunit ngayon siya ang tameme kapag ang kanilang ginawa na ang inuungkat?!

O baka naman, bigong-bigo si ex-PNoy dahil walang plano ang Duterte administration na sundan ang mga ginawa niya kung bakit nawala sa atin ang Scarborough Shoal noong 2012?

Imbes manira at manggulo, hindi ba mas makatutulong ang grupo ni ex-PNoy sa bansa kung makikipagtulungan sila sa kasalukuyang administrasyon?

Natatakot ba si ex-PNoy sa sarili niyang multo? Matagal nang palaisipan ang tunay na nangyari sa Scarborough o Panatag Shoal. Bakit kinailangan ng backchannel talks sa China?

At parang internet na tumugon si ex-PNoy kay Sec. Cayetano, itanong na lang kay “Google” ang mga totoong nangyari noong panahon ng girian sa Scarborough Shoal noong 2012.

Tsk tsk tsk…

Binigyan sila ng pagkakataon ni Cayetano na sabihin ang kanilang panig para mailinaw sa taong bayan kung ano ang tunay na nangyari at paano naligwak ang Scarborough Shoal.

Kung magsaliksik naman tayo at may makitang laban sa kanila. Sasabihin nagkakalat ang Duterte administration ng ‘fake news.’

Hiningian sila ng alternatibong proposal para masolusyonan ang problema sa West Philippine Sea. Hindi naman naging deretso ang sagot.

Naghihintay ang taong bayan nang mas malinaw na sagot mula kay dating Pangulong Aquino sa isyung ito. Hindi kailangan ng Filipinas ngayon ng mga oposisyon na ampaw at puro daldal lang.

Sabi nga ni Pangulong Rodrigo Duterte, bukas siya at buong administrasyon sa tulong ng lahat ng kampo basta para sa ika­bubuti ng sambayanang Filipino.

SI ASEC. MOCHA USON
ABANGAN SA MAINIT
NA PAGPAPALIWANAG
NG FEDERALISMO

HUWAG namang husgahan agad si Mocha kung siya man ang itinatalaga ng Palasyo para magpaliwanag sa publiko ng Charter change patungong Federalismo.

Sabi nga, malakas ang ‘karisma’ ni Asistant Secretary Mocha Unson sa publiko, kaya bakit hindi gamitin ang ‘asset’ niyang gaya nito para maipaliwanag sa madla ang Charter change at ang Federalismo.

Huwag kalimutan na pumatok ang pagtu­turo niya ng sex education. Talagang dinumog sa social media at mukhang marami ang nag-practice.

Kung effective na lecturer si Asec. Mocha, aba malaking bagay ‘yan sa pagsusulong ng Federalismo.

Kaya huwag agad husgahan si Asec. Mocha.

Ang inyong lingkod nga mismo ay excited na mapakinggan kung paano niya ipapaliwanag ang federalismo sa publiko.

Baka hindi lang paliwanag sa salita ang gawin ni Asec. Mocha, baka gamitan pa niya ‘yan ng ‘body language’ at maindak na sayaw sa entablado ganoon din sa social media.

Huwag ninyong kalimutan na bago mapasok sa gobyerno si Asec. Mocha ay isa siyang performer kaya kayang-kaya niyang gamitin ang kanyang skills sa pagkanta, pagsayaw at baka tumula pa para maipaliwanag sa publiko kung ano ang federalismo.

Kaya mga suki, sabay-sabay po nating abangan ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *