Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Skinfrolic by Beautéderm nina Rochelle at Jimwell, malapit nang buksan

READ: Regine Tolentino, kasado na ang Dance Fitness Tour Canada

SA darating na August 10 ay bubuksan na ang bagong business venture ng husband and wife tandem nina Jimwell Stevens at Rochelle Barrameda. Ito ang Skinfrolic by Beautéderm na magiging 25th branch na ng BeauteDerm na pag-aari ng masipag na CEO nitong si Ms. Rhea Tan.

Sinabi ni Rochelle na excited na sila sa kanilang bagong business, “It’s a dream come true for me. Gusto ko talagang magkaroon ng ganito at maging beauty consultant.

“We are owners of Resto Bar sa Parañaque din before, kaya lang ‘di na rin namin ma-manage dahil mas nag-con­centrate ako sa kaso noon ng kapatid ko. While si Jimwell na­man, kumuha ng mga partners para lang matuloy ‘yung busi­ness. Nasa buy and sell din kami ng sasakyan. I’m busy online selling as well, Rochelle’s Stop and Shop. Bumibili ako ng stuff abroad and ibinebenta ko naman dito.”

Sino ba ang nakaisip na magtayo ng ganito, si Jimwell or ikaw? “It’s a big opportunity na naging ambassador kami ng Beautéderm ni Jimwell dahil nagkaroon kami ng chance to put up a business like this. Ang maganda pa rito, magkaka­tulu­ngan kaming mag-asawa na i-manage ito. Hands on kaming dalawa rito, excited na kami on August 10 sa grand opening ng Skinfrolic by Beautéderm.”

Ano ang exact location nito at ano ang products na mabibili rito? May mga services din ba like facial, etc? “Located ito sa #63 President’s Ave., Parañaque City. May mga facial, diamond peel and RF din kami na mao-offer. Pero I want to concentrate talaga sa product selling, dahil alam ko na maganda ang products na mabebenta namin. Sa ilang taon kong gumagamit ng Beautéderm, marami ang mas nagmahal sa akin dahil malaking tulong na na-introduce ko sila sa beauty set at mas gumanda pa sila lalo!” Masayang saad ni Rochelle.

May promo ba sa opening at ano ang masasabi mo kay Ms. Rhea? “We’ve been friends for eight years now. I can say na napaka-strong ng foundation. She’s part of our family, mahal na mahal namin siya. Jimwell and I are grateful sa mga ambas­sadors dahil ‘yung mga walang sked, pupunta sila to support us. For sure magkakaroon kami ng promo sa followers ng Beautèderm, sa opening!”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …