Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine Tolentino, kasado na ang Dance Fitness Tour Canada

READ: Skinfrolic by Beautéderm nina Rochelle at Jimwell, malapit nang buksan

WORKAHOLIC talaga ni Regine Tolentino. Bukod kasi sa pagiging segment host niya ng Unang Hirit at personal na pagpa­patakbo ng kanyang Regine’s Boutique at iba pang mga busi­ness, kaliwa’t kanan pa rin ang kanyang pinagkakaabalahan.

Actually, kahit na-sprain siya a couple of weeks ago ay tuloy pa rin ang aktres/TV host sa kanyang regular routine. ”I was so excited sa pagpo-promote ng album ko, siyempre I’m still training. Actually naging hadlang lang noong nagkaroon ako ng sprain sa paa. So, medyo six weeks na ako, hindi pa puwede ‘yung full course na sayaw.

“So, ‘yun lang ‘yung naging challenge, tapos isinabay ko na ‘yung surgery dito sa kamay ko. Kasi mayroon akong cyst. So, ipinatanggal ko ‘yung cyst ko and ‘yun, sabay nang naghe-heal. So eto, pagaling na rin siya. So dapat I’m strong, because I have a tour coming up sa Canada. I also have a tour for Ignite and sa Japan, kaya hayun very excited,” masayang pagbabalita ni Regine.

Saad niya, “So, I’ll be in Canada, August 15 hanggang katapusan, then Japan naman in September and October. Baka nga may Ireland or something pa, basta it’s a combination of Zumba. Kasi like sa Canada, that’s a dance fitness tour. Sa Japan naman is for my album and ‘yun ‘yung Ignite tour and iniikot na namin ‘yung shows. Now I’m trying to find time to really bond with the kids when I have time.”

Pinagsasabay mo rin ‘yung zumba, ‘tsaka ‘yung pagiging recording artist mo?

Saad niya, “Yes, pati pagiging designer, I’m still doing my corporate hosting and siyempre businesswoman… So lahat naman kaya and I feel really good. You know, this year I’m turning 40 years old and so I feel like the numbers, parang my gosh! Before, when I think of 40 years old parang ang tanda na niyon and eto nandito na ako, so parang ang bilis ng time. But I feel like I’m just 21 years old, you know what I mean? Parang I feel like I am anything I’ll be as I am now and most fit… Parang mas na-appreciate ko ‘yung katawan ko, ‘yung pagkababae ko, ‘yung pagka-independent ko. So I’m really enjoying life and sobrang dami kong gustong gawin, hahaha!” Nakatawang saad niya na idinag­dag pang next year ay mas maraming pasabog at mile­stone ang mangyayari sa kanya.

Ang dates ng Dance Fitness Tour Ca­nada ni Ms. Re­gine ay ang mga sumu­sunod: Aug. 18-Calgary-5:00PM-Genesis Center; Aug. 19-Toronto-3:00PM-La Liga Toronto Sports Complex; Aug. 24-Winnipeg-7:00PM-St. James Civic Centre; Aug. 25-Edmonton-6:00PM-St. Basil’s Cultural Centre; at Aug. 26- Montreal-7:00PM-Saint Kevin Parish Hall. Ito ay pre­sented by: K Events, Tina Ma­capili of Zumba with Tina, Livelovedance.ca, Zdance International Prodctions, 4.0 Events Management, at RT Studios.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …