Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, bagong endorser ng Beauty Zone Facial and Spa

ITINUTURING ni Erika Mae Salas na malaking blessing sa kanya ang pagkakasali sa pelikulang Spoken Words. Ito’y mula sa RLTV Entertainment Productions at Infinite Power­tech at sa pamamahala nina Direk Ronald Abad at Direk John Ray Garcia. Nag-level-up na nga ang talented na dalagita, dahil pinagsasabay na niya ngayon ang pagkanta at pag-arte.

“I am so blessed and honored po na makasama po sa Spoken Words. Since this is my first movie po, marami po akong natutuhan and sobra po ako nag-enjoy dito,” saad ng versatile na singer/actress.

Ang Spoken Words ay pelikulang pangpamilya na maraming aral na mapupulot lalo ang millennials. Ang premiere night nito ay sa August 25 sa SM North EDSA, Cinema 6. Bukod kay Erika Mae, tampok dito sina Erwin Buena­ventura, Matt San Juan, Mich Rapadas, John Patrick Picar, Patrick Alba, Marco Novenario, Reinzl Mae Bo­lito, Rodel Girard Forma­ran, Renz Gabrielle Clemente, at iba pa.

Ano ang feeling mo na singer ka na, aktres ka pa nga­yon? “Super happy po na parang may iba pa pala akong maibibigay sa mga tumatangkilik sa akin,” matipid na tugon niya.

Incidentally, ang kanta ni Erika Mae na Ako Nga Ba ay bahagi ng Official Sound Track (OST) ng kanilang pelikula.

Nabanggit ni Erika Mae na gusto niya ang nangyayari sa showbiz career niya ngayon. “Slowly but surely po… Mas gusto ko rin po na ganito, unti-unti, para po mas sure po roon sa tinatahak ko. Iyong goal ko po talaga na gusto kong marating sa showbiz.

“Thankful din po ako sa pagiging endorser ng Beauty Zone Facial and Spa, a sister company of Grand Music Palace po. Ito’y located sa #72 15th Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City na ang manager po ay si sir Emmanuel de Vera,” saad niya.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga magulang sa kanilang walang sawang pag­suporta at pagmamahal. “Thankful po ako sa parents ko dahil one hundred and one per­cent po ‘yung support nila sa akin. Full-support po talaga sila sa akin lagi, sobrang thankful ko po na lagi po silang nandiyan para sa akin at gumagabay,” nakangiting wika ni Erika Mae.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …