SA lahat ng ahensiya ng gobyerno ngayon na talagang maraming accomplishment, ‘yan ay walang iba kundi ang National Bureau of Investigation (NBI).
Simula nang pamunun ng charismatic leader na si Atty. Dante Gierran, tumino ang dating mga paloko-lokong agent. Pati ang mga opisyal ay nereporma n’ya.
Hindi siya nadadala sa mga pressure bagkus ay panalangin ang kasama niya sa panunungkulan.
Kung minsan nga hindi mo akalaing NBI Director siya dahil nakikihalubilo sa mahihirap at napaka-down-to-earth.
Ang dami na niyang ipina-entrap na tiwali at corrupt gov’t employees.
Ganoon din si NBI Deputy for Intel na si CPA Eric Distor, tahimik at napakasimpleng opisyal.
Walang bahid ng corruption kaya naman pinagkakatiwalaan siya ng ating butihing Pangulong Duterte.
Simula nang pamunuhanan niya ang Intel division ay walang alingasngas tayong narinig.
Kung minsan nga ay halos ayaw magsalita sa mga press conference ng NBI.
Patuloy ang pag-ikot niya sa mga NBI regional office para sanayin ang mga tao niya.
Sana ay maipagpatuloy pa ni Deputy Eric Distor ang lifestyle check sa mga opisyal at empleyado ng mga corrupt gov’t agencies gaya ng BIR, Customs, BI, DPWH at PAGCOR.
Mabuhay ang NBI!
***
Isang ulirang ama ng MMDA si ret. General Danny Lim. Bilang MMDA chairman ay tinanggal niya ang 800 traffic enforcers dahil sa pangongotong.
Sabi niya, “Mahirap ang trabaho pero gagampanan niya ito.”
Maraming street vendor ang napatino niya na nakaharang sa kalye.
Siya ay maprinsipyong official kaya hindi nagkamali si Pangulong Digong sa pagpili sa kanya bilang MMDA Chairman.
Mabuhay ka sir Gen. Dany Lim!
***
God is good, God is great!
Gusto ko munang pasalamatan ang Panginoon Diyos sa blessings na natatanggap ko araw-araw.
Kahit ganitong may pagsubok, si Lord pa rin ang nanaig kaya tanggapin natin ang kaloob niya.
Hindi tayo dapat sumuko sa lahat ng laban na dumarating sa buhay natin.
God is good.
Ako, inaamin ko nakalilimot din ako minsan kaya kahit anong mangyari it was God who give me my life.
Utang ko ito habang buhay.
I think God has plans for me.
Kaya sana, huwag tayong makalimot na magdasal at magpasalamat sa lahat, lahat ng blessings galing sa kanya.
I admit I made a lot of sins pero pinagsisihan ko ito.
Kahit anong gawin natin sa mundong ito dapat kasama natin ang Panginoon sa paglalakbay natin.
God thank you again, I love you so much.
Without you I’m nothing in this world.
God bless us all.
PAREHAS
ni Jimmy Salgado