INIHAYAG ng ilang kompanya ng langis nitong Lunes, na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng gasolina habang babawasan ang presyo ng diesel simula ngayong Martes.
Papatak ng P0.30 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.15 ang bawas sa kada litro ng diesel, ayon sa abiso ng ilang kompanya.
Hindi gagalaw ang presyo ng kerosene.
Kabilang sa magpapatupad ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ang Shell, Flying V, PTT Philippines, Petro Gazz, SEAOIL, Caltex, at Eastern Petroleum, dakong 6:00 am, ngayong Martes.