Monday , December 23 2024

Holdapan sa Parañaque City talamak

READ: Apela ni Sen. Tito Sotto para sa committee hearing ni Sen. De Lima tablado kay PNP chief

HABANG nagsisikap ang ilang mga kababayan na naghanapbuhay nang parehas at maayos sa pagtatayo ng maliliit na negosyo, ilang ‘demonyo’ naman ang mabilis na nakapagpaplano para ‘nakawin’ ang pinagpaguran ng masisikap na tao sa pamamagitan ng panghoholdap.

At hindi lang maliliit na negosyante ang binibiktima, kundi maging ang mga customer na kumain lang saglit ‘e ‘nahubaran’ pa ng mga importanteng alahas, gadget at maging cash.

Ganito ang karanasan ng mga food establishment sa Barangay Don Galo, Parañaque City.

Kamakailan lang, parang ‘umani’ ng ‘gintong palay’ ang mga notoryus na riding-in-tandem hold-uppers na sumalakay sa mga food establishment sa area na ‘yan.

At dahil sa kasabihang, habang may buhay ay may pag-asa, minabuti na lang ng mga biktima na ibigay ang kanilang salapi, gadgets at iba pang valuables sa mga holdaper kaysa naman buhay nila ang nakawin.

Siyempre, manlulumo at maiiyak lang sila ka­pag wala na ang mga holdaper at mapag­tatanto nila kung ano, magkano at ang halaga sa buhay ng mga ninakaw sa kanila.

Masakit talaga sa loob ‘yan, na ang mga bagay na pinag­sikapan at pinagpagurang makuha ay biglang mawawala dahil sa pagnanakaw na tila simbilis ng kidlat.

Pero higit na masakit, kapag nabatid ng mga biktima ng holdap na ilang metro lang pala ang layo sa pinangyarihan ng insidente ang estasyon ng pulisya o police community precinct (PCP).

Hindi ba Parañaque police chief, S/Supt. Leon Victor Rosete?

Ilang metro lang po ba ang layo ng PCP diyan sa Barangay Don Galo sa food establishments na mukhag alaga nang holdapin ng mga holdaper?!

Kernel Rosete Sir, hihintayin pa ba ninyong si NCRPO chief, Gen. Guillermo Eleazar ang umaksiyon laban diyan sa mga holdapan na ‘yan?!

Aba, baka madamay pa maging si Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apolinario, Jr.?!

Kailan ka kaya aaksiyon, Kernel Rosete?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *