NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatatanggal niya sa tungkulin ang mga newly-elected official kung hindi nila gagawing ligtas at malinis ang mga barangay na kanilang nasasakupan.
Sinabi ito ni Tatay Digong sa 4,000 newly elected barangay captains sa Calabarzon, Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes.
Matindi ang pagbabanta ni Tatay Digs. Suspensiyon o outright dismissal sa mga barangay chairman na magpapabaya sa kanilang tungkulin lalo na kung namumunini ang illegal drugs at iba pang uri ng kriminalidad sa kanilang area of responsibility (AOR).
“‘Pag ang barangay ninyo palaging lumalabas sa intelligence community na maraming transaksiyon na droga ibig sabihin hindi kayo gumagalaw…
“I will give you a chance. Ang pinaka (The gravest) is gross neglect of duty and I can either suspend you or dismiss you outright,” anang Pangulo.
Aba ‘e huwag nang lumayo ang mahal na Pangulo. Ilang metro lang mula sa Malacañang ang barangay na kinaroroonan ng Plaza Lawton na hanggang ngayon ay dinadapurak pa rin ng mga operator ng illegal terminal.
Maliwanag na krimen ‘yan!
Dapat siguro’y masampolan na agad ang barangay officials na nakasasakop sa nasabing barangay nag sa gayon ay maipamukha ni tatay Digs na hindi siya nagbibiro.
Harinawang maiulat sa Malacañang ang mga ilegalista sa Lawton!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap