Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

‘Wag limutin si FPJ

HINDI lang nakagugulat kundi nakalulungkot nang sabihin ni Sen. Grace Poe na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakatitiyak kung lalahok pa siya sa senatorial race ngayong darating na 2019 midterm elections.

Sa kabila nang patuloy na pangunguna ni Grace sa senatorial survey ng Social Weather Station at Pulse Asia, sinabi ng senadora na personal ang dahilan at kailangang magkausap muna sila ng kanyang asawang si Neil Llamanzares.

Binigyang-diin ni Grace na ang dahilan ng kanyang pagdadalawang-isip na tumakbong muli sa senatorial race ay dahil “traumatized” daw ang kanyang mister noong nakaraang 2016 presidential elections.

Pero kung talagang magdedesisyon  si Grace at  hindi na matututuloy ang kanyang pagtakbo sa darating na halalan, sana naman ay maisip ng senadora na kaya siya naluklok bilang senador ay dahil sa kanyang amang si Fernando Poe Jr.

Hindi ko rin makakalimutan ang sinabi sa akin noon ni Grace na kaya siya papasok sa politika ay dahil kay FPJ.  Ang sabi pa ni Grace, ipagpapatuloy niya ang hindi natapos ni FPJ na pangako niya sa taongbayan.

Sana hindi masamain ni Grace, pero nakabibigla ang kanyang sinabi na hindi pa niya alam kung tatakbo pa siya sa darating na halalan. Parang direktang pagsasabi ito na iniiwan na niya ang hindi pa natatapos na laban ni FPJ.

Hanggang ngayon ay marami pang nagmamahal kay FPJ at umaasa sila na ipagpapatuloy ni Grace ang inumpisahang laban ng kanyang amang binawian ng buhay dahil sa ginawang pandaraya nang tumakbo sa pagkapangulo noong 2004.

Kung sama ng loob rin lang kasi ang pag-uusapan, may sasakit pa ba sa pagkamatay ni FPJ? Libo-libong tao ang nakiramay, at sa araw mismo ng libing halos mapuno ng mga nagluluksa ang kahabaan ng Quezon Avenue para maihatid si FPJ sa huli niyang hantungan.

Taongbayan ang na-“traumatized” sa pagpanaw ni FPJ!  Hindi nila matanggap ang ginawang pandaraya sa kanilang idolo, at hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom ang sugat na iniwan nito sa mga Filipinong nagmamahal kay FPJ.

Hindi kailanman dapat tumigil si Grace sa kanyang pangakong ipagpapatuloy ang naiwang laban ng kanyang ama. Kabahagi tayong lahat na nagmamahal kay FPJ para maipagpatuloy ang kanyang laban at pangarap.

Sabi nga ni FPJ: Hindi pa tapos ang laban!

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …