Monday , December 23 2024

P1-M orchid mula Singapore binili ng NPDC para kanino?!

TALAGA bang walang alam gawin ang mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kundi ang pakapalin ang mga bulsa nila at bigyan ng kahihiyan ang kanilang Patron?!

Isa sa mga binubusisi ngayon ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang ‘walastik’ na P1-milyong orchids na binili umano ng National Parks Development Committee (NPDC) sa Singapore.

Nadiskubre ang ‘maanomalyang’ transaksiyon makaraang maglabas ng ‘red flag’ ang Commission on Audit (CoA) sa kanilang report ukol sa biniling orchids.

Natuwa naman ang NPDC Employees Association (NPDCEA) sa desisyon ni Madam Berna na repasohin ang transaksiyon sa pagbili ng sinasabing million-peso orchids.

Aba, ‘e walastik talaga, mantakin ninyo, orchids na nakapangalan umano kay Digong?!

Wattafak!

Ginamit pa ang pangalan ni Tatay Digong, ha!

Bukod sa orchids na ‘yan, kabilang din sa bi­nu­busisi ni Madam Berna ang sinabing ire­gularidad sa kuwestiyonableng P7.5 milyon gastos ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte base sa CoA report.

Anim na buwan ang ibinigay ng Kalihim kay Belmonte para ipaliwanag ang kuwesti­yo­nableng P7.5 milyon gastos kabilang ang P.5 milyong tailoring services, designer’s bag, mga bagong sasakyan at bodyguard.

Binubusisi rin ang kontrobersiyal na study tour sa Singapore Parks and Recreation Manage­ment na ang hangarin umano ay ma­kakuha ng orchids na pinangalanang Duterte.

Hindi natin alam kung kaaawaan o kaiinisan itong mga pinagkatiwalaan ni Pangulong Digong na maupo sa isang ahensiya ng go­byerno.

Aba ‘e parang hayok na buwitre kung ma­kapanila ng pondo ng gobyerno.

Hindi ba ninyo naranasan ‘yan noong nasa private sector kayo?!

Kaya nga ang sabi ng Pangulo, gusto niyang bigyan ng posisyon ‘yung mga may pera na, ‘yung mayayaman, ‘yung hindi na magnanakaw sa gobyerno.

E bakit, may nakalusot pa rin na mahihilig magbulsa at umepal?!

Mabuti na lamang at hindi umaatras si Madam Berna sa paglilinis sa Department of Tourism (DOT) na talaga namang nais ‘pigain’ ang pondo ng mga nauna sa kanya, at ngayon nga ay mayroon pa palang remnants?!

Kaya kung mayroon pang mga nagtatagong ‘surot’ diyan, huwag kayong mag-aalala, susunod na kayo!

Hintayin ninyo si Madam Berna!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *