CALBAYOG CITY, Samar – Patay ang tserman ng isang barangay sa siyudad na ito, kasama ang isa pang lalaki, nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Tinambacan, noong Biyernes.
Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo si Mark Anthony Giray, tserman ng Brgy. Malaga, at ang kasama niyang si Boyet Dora, nang pagbabarilin ng apat lalaki sa bahagi ng Tinambacan na sakop ng Brgy. Marcatubig.
Agad binawian ng buhay ang mga biktimang tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Habang mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril.
Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.