READ: 5 OFWs dinukot sa Iraq, Libya
READ: Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash
BINAWIAN ng buhay ang isang Filipino sa Padova, Italy makaraan pagsasaksakin ng kababayang nakaalitan niya dahil sa selos.
Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulis-ya, ilang beses nang hinamon ng away sa social media ng biktimang si Walter Crispin Sahagun, 51, ang suspek dahil sa hinalang may relasyon ang huli sa kaniyang dating kinakasama.
Nitong Huwebes, nag-away umano si Sahagun at ang 36-anyos suspek sa isang parking lot. Patay na ang biktima at tadtad ng saksak sa braso, binti at mukha nang matagpuan ng mga pulis.
Habang nakatakas ang suspek ngunit nahuli siya kalaunan sa tulong ng mga saksi.
Narekober sa crime scene ang dalawang katana o Japanese sword.
Nakuha sa sasakyan na ginamit ng biktima ang isang compressed air pistol at backpack na may pera, alahas at pasaporte.