Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

May ‘paglalagyan’ si Digong

HINDI na biro ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merka­do. Samahan pa ng nakaambang pagtaas sa singil ng koryente at tubig, kaakibat ang mabigat na gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak, sino ang hindi mabubur­yong na magulang?

Kung nakalusot man si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga problemang kanyang kinaharap sa dalawang taon niyang panananatili sa puwesto, mukhang may ‘paglalagyan’ ngayon si Digong kung hindi niya mabibigyang solusyon ang problema sa mataas na bilihin.

Hindi na maaaring ipagwalang-bahala ni Digong ang mga cause-oriented groups lalo ang mga makakaliwang grupo pati na ang mga dilawan sa kanilang balaking sunod-sunod na kilos-protesta.

Build-up ang gagawin ng mga grupong ito para sa kanilang mga rally at demonstrasyon na sa kalaunan ay maaaring maging hudyat para ilunsad ang pagpapatalsik sa pangulo. Pero mangyayari lamang ito kung ang kanilang gagawin ay mayroong suporta galing sa pulis at military. Bakit, wala pa ba?

Ang usapin ng kahirapan ang madaling paraan para makumbinsing lumahok ang taongbayan na mag-alsa para pabagsakin ang isang pamahalaan.

Sabi nga ni Senator Ping Lacson, “when the stomach protests, prepare for a revolution.”

Marami ang nagsasabing iba ang sitwasyon ngayon kompara noong bago pa lang nanunungkulan si Digong sa Malacañang. At mukhang magkakamali si Digong kung hindi niya seseryosohin at agad na kokomprontahin ang problemang lumikha ng kasalukuyang sitwasyon.

At hindi pa huli ang lahat kay Digong.  Unahin ng pangulo ang problema sa labor sector. Kaagad na ipagkaloob ang hinihinging wage increase, at seryosong buwagin ang lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon sa negosyo. Kasabay nito, sibakin si Labor Sec. Silvestre Bello III.

Magtayo ng mga Kadiwa store, at tapatan ang lahat ng mga palengke at supermarket sa Metro Manila. Sa ganitong paraan, madaling maipakikita ni Digong sa mga mamimili na seryoso siyang lutasin ang problema sa bilihin. At kasabay din nito, sibakin kaagad ni Digong si Trade Sec. Ramon Lopez.

Itong sina Bello at Lopez ang tinaguriang dalawang kamote sa Gabinete ni Digong. Puro kapahamakan ang idinudulot sa administrasyon kaya makabubuting palitan sila ng pangulo.

Sina Bello at Lopez ay maituturing na pro-employer at anti-worker. Si Bello ay hindi natuldukan ang kontraktuwalisasyon, samantala si Lopez ay kontra sa pagbibigay ng wage increase sa mga obrero.

Kaya nga, ang ‘bola’ ay nasa pangulo. Kung pababayaan ni Digong na samantalahin ng kanyang mga kalaban ang isyu sa mataas na presyo ng bilihin ay wala na tayong magaga­wa. Nakalulungkot lang isipin na sa mga darating na buwan baka matulad si Digong kina Makoy at Erap na puwersahang pinatalsik sa kanilang puwesto.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *