NALALAPIT na naman ang eleksiyon at gaya nang dati, nasa balag na naman ng alanganin ang mga taga-Taguig Tenement.
Ilang beses na nga ba silang pinangakuang igagawa ng bagong tahanan dahil kailangan nang gibain ang lumang gusali?!
Ang sabi, bibigyan sila ng paglilipatan pero kapag malapit na ang eleksiyon, hindi naman natutuloy ang relokasyon.
Ilang pangako na umano ang binitiwan ni Mayor Lani Cayetano pero gaya sa isang pangkaraniwang politiko, paulit-ulit itong napapako.
Ano ba talaga, Mayor Lani Cayetano?!
Ang pangako ninyong relokasyon ay parang, laban-laban, bawi-bawi sa mga mamamayan.
Kung ayaw ninyong pakawalan ang kanilang boto, aba, gawan n’yo sila ng on-site relocation at tuparin ninyo.
Matandang building na ang Taguig Tenement, e paano kung diyan sila abutan ng Big One?!
Iligtas ninyo ang constituents ninyo, Mayor Lani!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap