Friday , November 22 2024

Prime Water primo sa singil, adelantado sa putol pero kulelat at bulok sa serbisyo

READ: Bulok na serbisyo ng Prime Water sa CSJDM Bulacan iniaangal ng consumers

HINDI nagbabago ang serbisyo ng Prime Water sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan.

Hanggang sa  mga subdibisyon na kinokopo nila ang serbisyo ng tubig at hindi pinapapasok ang operasyon at serbisyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) gaya sa lalawigan ng Cavite.

Sa Cavite, ang trabaho ng Prime Water, harangin ang MWSS para huwag makapasok sa mga subdivision nang sa gayon ay makopo nila ang serbisyo para sa tubig.

Pero sa CSJDM, baliktad. Nagawang ‘makontrol’ ng Prime Water ang San Jose del Monte Water District para maaprobahan ng board of directors ang Joint Venture Agreement (JVA) na inilalako nila.

Ang sabi, take note, ito ay pasabi sa inyong lingkod… mayroong mga miyembro ng BOD ang nabili at nasuhulan umano mula P5 milyon hanggang P10 milyon.

(Kawawa naman ‘yung P5 milyon lang ang natanggap… tsk tsk tsk. Bakit hindi ginawang pare-parehong P10 milyon?)

May paliwanag kaya ang Prime Water diyan? O baka may nag­kabukulan?!

‘Yan ang sabi. Kung hindi totoo ‘yan, puwedeng magpa­liwanag ang mga miyembro ng SJDM Watwer District.

Pero may isa tayong kinabibiliban sa mga BOD na ‘yan…’yung nag-iisang hindi nabili ng Prime Water.

Gaya ng naikolum natin kahapon, kung dating ang SJDM Water District ang may pinakamagandang serbisyo, malinis, malakas ang tubig, amoy-chlorine at hindi uma-absent sa gripo ngayon balik­tad na po mula nang mang-hima­sok ang Prime Water.

At kahit hindi nila kayang mag-bigay ng tubig 24 oras sa isang araw sa loob ng isang linggo, matulin pa sila sa alas-kuwat-rong magputol ng serbisyo kapag hindi agad naka-pagbabayad ng bill na sobrang mahal.

Ang kanilang minimum bill, gumamit man ng tubig o hindi, ay P200. ‘Yan P200 na ‘yan ay kialangan bayaran ng consumers, kahit wala pang 15 araw na tumulo nang dere-deretso ang tubig sa gripo.

Nakapagtataka na wala namang problema ang serbisyo ng SJDM Water District noon, ‘e big­lang pinapasok ang Prime Water?

Wattafak!

Sino ang nakinabang at nabundat sa limpak-limpak!?

Heto po ang ilang feedback mula sa mga consumer…

“Sa Fatima V – ang tulo ng tubig sa gripo ay now you see, now you don’t kapag weekdays. Kapag weekend, totally, wala talagang tulo sa buong maghapon. ‘Yan ay kung kailan maglalaba, darating ang tulo na malakas pa ang ihi ng kabayo bandang takipsilim na, paano pa kami maglalaba. At higit sa lahat, ang tubig ay napakalabo at amoy kanal.

Ilang beses na kaming nagrereklamo. May pumupunta naman, kukuha ng sample ng tubig kasi ipapa-eksamin daw. ‘Yun lang, at hindi na namin mala­la­man kung ano ang naging resulta. Napaka-‘Prime’ ng prehu­wisyo ng Prime Water!” –  Yna

Loriever Blurete Llarinas shared a post. Sa Marilao ganito ang tubig prime water kineme na rin tas bawal matulog maaga kasi pag natulog ka kinabukasan wala kang gagamitin. 11pm -7am lang ang supply minsan 6 pm lang wala na.

Josephine Pecayo Castillo shared a post.

‘Yan ang serbisyo ng prime water… dahil sa mga politikong mukhang pera na ang hangad lamang ay pansariling kapakanan.

Yomic Mendoza shared a post.

Tama!!!!! Tapos ‘yung daan sa Marilao hindi matapos-tapos. ‘Yung ayos na daan tas kinabukasan babakbakin uli WTH!

Shekinah Ann Sarmiento Gianan  shared a post.

Hindi na ako makakainom nang direkta sa gripo mas masarap nwasa kaysa mineral.

Chealsie Philline Son shared a post.

Kaya kahit nasa bahay lang ako ung kulay ko parang nag-swimming haha­haha!

Hardy Ashang Potchokoy Carlos totoo ‘yan kami Prime Water gnyan tubig tpos mahal pa singil meron sila minimum so kahit di mo gamitin mgbabayad ka ng 200… tpos 1 month lang disconnection na kahit 200 lang puputulan ka na! Bkit pumayag ang San Joseno sa gnyan? tsk tsk

Dan Angelo Badaguas shared a post.

Sinong magsasabing mahirap ang San Jose Del Monte, kung may libreng kape, chocolate at caramel.

May kasunod pa!

Huwag bibitiw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *