Monday , December 23 2024

Relief goods ng Boracay OpCen hindi makain ng mamamayan (Attn: DSWD!)

GINUTOM na, nilason pa?!

‘Yan ang sigaw ngayon ng mga residente sa Boracay.

Una, isinara ang Boracay dahil kailangan linisin. Ang epekto, marami ang nawalan ng trabaho at hanap­buhay.

Nangako ang Palasyo na padadalhan ng tulong ang mga residenteng mawawalan ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng allowance.

Pero sa realidad, relief goods lang pala ang ipamimigay.

Ito ngayon ang siste…

Ang relief na ipinamigay, kahit asong ulol hindi papatusing kainin.

Sino ang kakain ng bigas na sandamakmak ang insekto at bukbok. Ang sardinas mabantot na mabantot at ang meatloaf na bulok na bulok na?!

Itinuturo ng mga residente na ang nasabing relief goods ay ipina­mahagi ng Boracay Operations Center.

Ano ­ang ibig sabihin niyan?!

Matapos gutumin ang mga taga-Boracay, ang gusto naman ngayon ay pakainin ng mga bulok para malason?!

Kung hindi tayo nagkakamali, nagtayo ng Operations Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga residenteng nawalan ng trabaho at nawalan ng pagkakakitaan.

Kaya naman naging kampante ang mga re­sidente kasi umasa sila na aalalayan nga sila ng gobyerno.

Pero sa pinakahuling insidente ng pama­mahagi ng relief goods nitong June 16, puro bulok nga ang natanggap ng mga mamamayan.

DSWD Boracay Operations Center head Joey Urquiola, ano ba ang ginagawa ninyo?!

Huwag ninyong sabihin na wala kayong kakayahang inspeksiyonin kung puwede pa bang makain ‘yang mga relief goods ninyo o hindi na?!

Subukan n’yo kayang makisalo sa kanila ka­pag ipinamigay ninyo ang mga bulok na relief goods para naman malaman at makita ninyo kung ano ang ipina­mamahagi ninyo sa mga taong nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

That’s adding insult to injury!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *