Monday , December 23 2024

Gaano katagal nang nagdurusa ang mga mangingisda sa Panatag Shoal?

ITINATANONG natin ito kasi bigla na namang uminit ang isyu ng pa­ngingisda ng mga Filipino sa Panatag Shoal matapos lumabas sa isang documentary report sa isang TV program, ang sapilitang ‘panghihingi’ o ‘pang-aagaw’ ng mga Chinese national sa huling isda ng ating mga mangingisda.

Kaya marami ang nagtatanong, gaano na katagal na nagdurusa ang ating mga mangingisda?! Totoo bang mas mahi­rap ang buhay nila ngayon sa ilalim ng Duterte administration?!

Sino ba talaga ang sumira ng corals at coral reefs sa Panatag Shoal at sumaid sa mga higan­teng taklobo sa nasabing bahagi ng Panatag Shoal?!

Heto pa ang isang tanong, noong panahon ba ni Noynoy ay nakapangingisda ang mga Filipino sa Panatag Shoal?!

Ang alam nating lahat, panahon pa ni Noynoy ay hindi na nakapangingisda ang mga kababayan natin,

Hindi ba’t noon ay naging ‘maingay at palaban’ ang paraan ng administrasyong Aquino ngunit mas nagdusa ang ating mga mangingisda?!

Mas pinakinggan ni PNoy noon ang bulong at payo ni Senador Antonio Trillanes IV noong nagkagirian sa Scarborough Shoal kaya nagsi­mula ang kalbaryo ng ating mga mangingisda.

Ang isa pang nakapagtataka, bakit parang big­lang dumami ang mga politikong nag-aalala sa kabuhayan at kalagayan ng mga mangingisda?

Sa loob ng nakaraang limang taon, noong hindi pa nakapapasok ang ating mga mangi­ngisda, naging ganoon ba kaingay ang maga­ga­ling na politiko?

May nangalampag ba sa nakaraang adminis­trasyon na dagdagaan ang pondo para sa pagbili ng mga patrol ship at pagpaparami ng mga kaga­wad ng Coast Guard at Navy?

Naging agresibo ba noon ang gobyerno sa paghahanap ng solusyon para ayusin ang kondisyon ng mga bangka at ibang gamit sa pangingisda?

Sa bagong administrasyon, napatunayan na­tin na hindi padamihan ng protesta ang labanan o patapangan ng salita.

Sa totoo lang sa dami ng nag-iingay at nag­ma­marunong sa isyu mula sa hanay ng hudi­katura, lehislatibo at pati ‘yung galing sa naka­raang administrasyon, mukhang dapat nating pa­kinggan ang mga sinasabi ng ating mga mangi­ngisda.

Nagsalita sa Malacañang ang ilan sa kanila noong nakaraang linggo. Malinaw, seryoso at walang halong pambobola ang mensahe ng mga mangingisda.

Ayaw nilang magutom ang kanilang pamil­ya, mas maginhawa na ang kanilang pangi­ngisda ngayon kompara noong mga nakaraang taon.

Oo dumaranas ang ilan sa kanila ng ‘pangi­ngikil sa karagatan’ ngunit hindi ito kasing tindi ng karahasan kung tanggalan sila ng kara­patang makapangisda ulit sa Panatag.

Humingi sila ng tulong sa gobyerno na ayusin ang problema nila at hindi gawing mas kom­plikado. Huling tanong: Sino ba ang mas ma­sasaktan kung magkakagirian ulit sa Panatag Shoal?

Ano sa palagay ninyo mga suki?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *