Friday , November 15 2024

‘Bopols’ sa PCOO

HINAHANGAAN natin ang pagiging pasen­siyoso ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa mga kapalpakan ng kanyang appointees na ginaga­wang bisyo ang pag­kakalat ng katangahan.

Kumbaga kasi sa karamdaman ay mistul­ang epidemiya na wala nang lunas ang pina­mumunuang tanggapan ni Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar pag­dating sa pagsasabog ng paulit-ulit na katangahan.

Nitong nakaraang linggo lang ay dalawang beses na naman iginawa ng malaking kahihiyan ng PCOO si Pres. Digong sa pinakahuli at magkasunod na pagkakataon.

Parehong trending na naman ang magkasunod na kapalpakan ng mga garapata ni Andanar sa PCOO na nai-post pa man din sa kanilang official Facebook page.

Sa post ng PCOO, si Norwegian Ambassador Erik Forner na pabalik na sa kanilang bansa ay sinabi nilang kinatawan daw ng “Norwegia” dito sa atin.

Kahit grade school ay alam na ang tawag sa bansa ng mga Norwegian national ay Norway, hindi Norwegia. (Hehehe!)

Napaghahalata tuloy na bukod sa mga tolongges na nga ay batugan pa ang mga alipores ni Andanar, gayong isang pindot lang sa Google search ay mabeberipika na agad kung tama ang impormasyon bago maisapubliko.

Kunsabagay, kanino pa ba sila magmamana, Sec. Andanar? ‘Di ba sbi nga, follow the leader?

May pagka-aroganteng depensa naman ng isang babaeng opisyal sa PCOO, “typo” (typo­graphical error) lang daw ang pagka­kalathala nila ng caption sa Norwegia, bagay na hindi kapani-paniwala.

Kasi ang Norway ay may dalawang syllables lang kung babaybayin kaya’t malayong typo lang kung ikokompara sa Norwegia na tatlo.

Unang nagkalat ng kahihiyan ang Philippine News Agency(PNA), isang ahensiya sa ilalim ng PCOO, noong August 2017 sa isang opinyon mula sa Xinhua News Agency na nagsabing ”ill-founded” ang pasiya ng United Nations pabor sa atin sa isyu ng South China sea.

Naging Kenkoy din ang PNA-PCOO sa isang istorya ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ginamitan nila ng logo ng DOLE pineapple at isinisi ang kanilang kapalpakan sa Google search.

Labag siguro talaga sa relihiyon ng mga bopols ang umamin kapag nabubuko sa kata­ngahan.

 

“ROGELIO GOLEZ”

KASUNOD lang ng Norwegia, binansagan din ng PCOO ng ibang pangalan si yumaong dating Parañaque Rep. Roilo Golez.

Sa kanilang official FB page ng PCOO, “Rogelio” naman ang inilathala na first name ni Golez na bale ba ay humawak din ng iba’t ibang puwesto sa gobyerno, dating Philippine Navy captain, Postmaster General at National Security adviser.

Umaalma ang anak ng yumaong opisyal na si Parañaque Vice Mayor Rico Golez sa kanyang Twitter account para tawagan ng pansin ang PTV-4 na pinatatakbo rin ng PCOO.

“My father’s name is Jose Roilo S. Golez. Kindly make the necessary correction if possible. Thank you very much @PTVph,” ani Golez.

Hindi lang malaking kabastusan sa isang tao na namayapa ang kapalpakang ito, kahit kanino man, buhay man o patay, na matawag sa ibang pangalan ang isang tao, lalo’t nagmula ang opisyal na pahayag sa tanggapan ng pamahalaan.

Pero mas pinahahalagahan yata ng PCOO ang manindigan sa pagsasabog ng katangahan, kaysa magkusang humingi ng dispensa sa kanilang mga kapalpakan.

Kailangan pa ba na mismong pamilya Golez ang manawagan sa PCOO?

Personal pa namang nagsadya sa burol si Pres. Digong para ipaabot ang sinserong pakikiramay sa pamilya Golez pagkatapos ay ipapahiya lang pala siya ng PCOO.

Paano kung may iba pang Rogelio “Roilo” Golez ang pangalan na nabubuhay at sa pagkabigla ng malalapit na kamag-anak ay may inatake sa puso?

Kaya bukod sa pamilya Golez ay humingi rin ng public apology ang PCOO sa pangalan na kanilang inilathala sa kanilang official FB page.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *