Monday , December 23 2024

MCIA T2 binuksan na!

NOONG nakaraang linggo ay nagkaroon ng inauguration para sa bagong Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Ang itinuturing na World’s First Resort Airport na may sukat na 65,500 metro kuwadrado ay tinatayang ginastusan ng P17.5 bilyon at sina­sabing isa ngayon sa pinakamodernong airport sa Asia.

Kasama sa mga nagdisenyo sa nasabing pasilidad ang Hong Kong based Integrated-Design Associated (IDA) at ang mga Pinoy na sina Budji Layug, Royal Pinda at ang sikat na Cebua­nong si designer-artist Kenneth Cobonpue.

Ang highlight at pinakamagandang feature umano ng airport ay curved wooden roof na naka-arko at nakaakma sa layered glass para pumasok ang sinag ng araw at mag-reflect sa tiles ng buong terminal na gawa naman sa iba’t ibang uri ng bato at iba pag concrete materials. Nilahukan din ito ng makikinang na tiles na animo’y buhangin at mga perlas para maging akma sa pakiramdam ng isang tunay na resort!

Mayroon itong 48 check-in counters na puwedeng maging expandable hanggang 72 counters.

Huwaw!

Baka sakaling hindi na nga magtambakan ang mga pasahero sa dami ng counters na ‘yan!

Nilagyan din ng 12 escalators at 15 elevators ang buong airport at ang parking area nito ay kayang umokupa ng 550 hanggang 750 sasakyan.

Tunay nga na kaaya-ayang sumakay rito kung sakaling maaayos pati ang serbisyo ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magliling­kod dito.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nanguna sa nasabing pagtitipon ay hindi naikubli ang paghanga dahil sa marangyang design ng MCIA-T2.

Tinatayang aabot sa 12 milyong pasahero kada taon ang posibleng hakutin ng naturang airport sa simula ng regular na pagbubukas nito sa unang araw ng Hulyo.

Ayon kay Louie Ferrer, president ng GMR Megawide Cebu Airport Corporation (GMCAC), itinayo ang airport bilang sagot sa lumalaking bilang ng mga pasahero at dumarami ring bilang ng flights patungo sa Filipinas.

Ayos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *