Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika

ILANG beses nang sinabi ni SAP Bong Go, hindi siya nagtatrabaho para ambisyonin ang Senado.

Gumagawa siya batay sa utos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at bilang suporta rin sa kanyang liderato.

Ilang beses niyang binigyang-diin ang ganyang pahayag at paulit-ulit itong lumalabas sa media.

Kaya nakapagtataka kung bakit nanatili ang pang-uurot ng mga gustong mawala sa tabi ni Pangulong Digong si SAP Bong Go…

Ano ang interes nila?

Kitang-kita na ang mga nambubuyo kay SAP Bong Go na tumakbo sa Senado ay ‘yung mga atat na atat makapuwesto…

Makapuwesto sa tabi ng Pangulo!

E kung hindi, bakit nga pinipilit nilang kumarera sa Senado si SAP Bong Go?!

Isa pang bagay, siyempre, para matapos man ang termino ni Tatay Digong at mawala na sa Malacañang, may makakapitan pa sila sa Senado.

Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit biglang ‘nagmulto’ ang mga dating wala na…

Parang mga ‘zombie’ na nagbangon sa hukay.

Biglang naglutangan habang ‘yung iba naman gumagawa ng paraan para tuluyang ibulid sa pamomolitika si SAP Bong Go.

‘Yung mga nambubuyo kaya kay SAP Bong Go lalo na ‘yung natulungan niyang mabigyan ng pu­westo ay nagtatrabaho naman kaya nang maayos para makatulong man lang sa maka­buluhang pagbabagong isinusulong ni Pangulong Digong?!

E baka naman puro sipsip lang kay SAP ang ginagawa? Puwede ba magtrabaho muna kayo?! Gustong mapuwesto sa gobyerno pero puro pamomolitika ang tinatrabaho.

Aba, magtrabaho kayo, hindi ‘yung wala kayong ginawa kundi pag-isipan kung paano katasan at linlangin ang mga kinakapitan ninyo.

Aba ‘e parang takaw na takaw kayo sa PR funds na ilalabas ni SAP Bong Go kapag nabuyo na ninyong tumakbo?!

Hindi man direktang manggagaling sa bulsa ni SAP pero tiyak hahanap ang mga ‘yan ng supporters at donors para ibenta ang pangalan ni Bong Go.

Kumita na, nakasipsip pa kay SAP!

Ay sus!

BAKIT HINDI
MAUBOS-UBOS
ANG SHABU?!

ARAW-ARAW hindi zero ang balita tungkol sa mga napapatay dahil sa ilegal na droga gaya ng shabu.

Araw-araw laging may nasasakoteng kilo-kilong shabu o marijuana. Mayroon pang high grade shabu at sabi nila maging party pills.

Pero ang nakapagtataka, bakit parang hindi nababawasan ang ilegal na droga sa kanilang merkado?

Parang lalo pang dumarami?!

Natitiyak kaya ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na hindi nare-recycle ang mga ilegal na droga o shabu na nakokompiska?!

Sigurado kaya si DG Oca na tuluyang nawakasan ang diskarte ng Ninja cops?!

Pakirekorida nga ulit Sir, PNP Chief. Muk­hang napapalusutan kayo.

Aray, baka uminit ang ulo ni Tatay Digong niyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *