NAKAGUGULAT ang pag-iingay si Party-List Rep. Gary Alejano tungkol sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal?
Bilang dating sundalo, bakit hindi niya pagtuunan ng pansin ang pondo para sa modernisasyon ng AFP o ng Philippine Coast Guard?
Mukhang nasasama sa tropang “barking up the wrong tree” si Cong. Gary?!
O baka naman gusto niyang ibaling ang sisi sa administrasyong Duterte para pagtakpan ang mga kapalpakan ng kanyang party-mate na si Senador Sonny Trillanes?
Cong. Gary, huwag po nating gamitin ang kahirapan ng mga mangingisda para sa pansariling interes sa politika.
Baka matulad kayo sa inyong party-mate na si Senador Trillanes na nagmarunong at nagsimula ng back-channel negotiations sa China kahit hindi naman siya expert sa diplomatic negotiations.
Baka dapat ay pagtuunan na lang ninyo ang inyong trabaho bilang tagagawa ng batas para sa mga sundalo para hindi nila kayo ikahiya pagkatapos ng inyong termino.
Sa panahon lang po ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte tumaas ang suweldo at benepisyo ng mga sundalo, pulis at coast guard.
Nabigyan din ng mga bagong armas at kagamitan para mas magampanan nila ang kanilang tungkulin sa bayan.
Esep-esep din ‘di ba?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap