PINAGTIBAY ng Supreme Court nitong Miyerkoles, ang pag-aresto kay Senadora Leila de Lima kaugnay sa kasong may kaugnayan sa droga laban sa kanya.
Ibinasura ng high court “with finality” ang motion for reconsideration ni De Lima at sinabing “it would no longer entertain future pleadings or motions.”
“…No substantial arguments were presented to warrant the reversal of the questioned decision,” ayon sa korte.
Mahigpit na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni De Lima sa Supreme Court, na “it should immediately rectify the continuing grave injustice” laban sa kanya.
Si De Lima ay inaresto noong 24 Pebrero 2017 sa alegasyong tumanggap siya ng drug payoffs mula sa mga preso sa national penitentiary noong siya ay kalihim ng Department of Justice.
Siya ay ikinulong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame.
Ilang beses na itinanggi ng senadora ang pagkakasangkot sa droga at sinabing ang kanyang pagkakapiit ay “political persecution.”