TALAGANG kamay na bakal ang ginagamit ni Pangulong Digong laban sa lahat ng uri ng katiwalian sa ating bansa. Whoever get hurts kapag nagkasala ka tiyak sibak ka! Ganyan po siya mamuno sa ating bansa.
Tunay na seryoso na gampanan ang kanyang mandato na linisin ang gobyerno.
Mabait pero ‘wag mo lang lokohin,walang kaibigan sa kanya kapag nagkasala ka.
Kahit sino ka pa kapag nakagawa ka ng mali ay wala ka nang puwang sa administrasyon ng ating Pangulo.
Napakalaking pagbabago ang nagawa ng ating Pangulo sa ating bansa.
Unti-unti nang nababawasan ang katiwalian sa gobyerno.
***
Ang isang tao na maraming nagagawang maganda para tulungan ang ating Pangulo ay si Sec. Christopher “Bong” Go.
Isang simpleng tao na talagang may mabuting kalooban para sa tao.
Dahil sa kaniyang katapatan kay Pangulong Digong noong Mayor pa siya ay nabigyan siya ng break para maipakita ang kanyang pagiging isang huwarang Public Service.
Siya ay ipinanganak noong June 14, 1974 at apo ni August Tesoro at ang kanyang ama ay may-ari ng isa sa pinakamalaking printing press sa Davao City.
Bilang isang mabuting tauhan ni Pangulong Duterte mula noong 1998, si Go ay naging executive assistant at personal assistant ni Mayor Rodrigo Duterte.
Sa pagiging responsable sa personal at opisyal na bagay, tinawag niya ang kanyang sarili bilang isang all around ‘utility man’ ni PDU30.
Kaya noong panahon ng kampanyahan noong 2016 si Go ay kadalasang inilarawan bilang “pambansang photobomber” ng media, dahil palaging nasa mga larawan sa gilid ni Duterte sa kanyang mga kampanya.
Isa siya sa mga pangunahing tao sa kampanya ni Duterte para sa pagkapangulo.
Mabuhay ka Sec. Bong Go!
Ready get set GO!
***
Ganoon din si NBI Director Dante Gierran at Deputy Director Eric Distor na walang kapaguran sa pagsisilbi sa bayan. Napakarami nilang accomplishment sa NBI.
‘Di matatawaran ang kanilang mga ginagawa sa pagsugpo at pag-imbestiga sa mga malalim na krimen at high profile cases.
Hindi sila papapigil kahit sinong masagasaan lalo sa paglaban sa katiwaliaan sa gobyerno at sa mga drug syndicate.
Buhay nila ang nakasalalay sa trabaho kaya naman marami ang hanga sa kanila dahil ito ay para sa bayan.
Keep up the good work mga sir!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado