Tuesday , December 24 2024

Halik ni Duterte sa labi ng Pinay binatikos sa social media

MARIING binatikos ng ilang dating opisyal ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang babae habang nasa isang pagtiti­pon sa Seoul, South Korea.

Sabi ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, mistulang ‘dirty old man’ o DOM si Duterte sa kaniyang iniasal sa harap ng Filipino community sa South Korea.

“‘Pag presidente ka, dapat ‘di ka komedyante, hindi komedyanteng DOM [dirty old man] ang asta. Siguro ang audience tinatrato lang ‘yang form of entertainment, nakatutuwa but ang may pangunahing kasalanan diyan si Pangulong Duterte mismo ‘di naman niya dapat ginawa ‘yong gano’n,” ani Casiño.

Hinikayat naman ni dating Senador Rene Saguisag si Duterte na mas maging mabuting ehemplo sa kabataan.

“He’s a role model kasi, kung ginagawa ‘yan nakikita ng kabataan they think it’s OK… that’s a very bad example for children and grandchildren. A president should never take the low road,” ani Saguisag.

Kinastigo ni Sister Mary John Mananzan ang ikinilos ng Pangulo dahil aniya, hindi naman kayang pumalag ng babae laban sa pangulo.

“Talagang ‘yong babae helpless. She cannot really refuse kasi may power relationship ‘yan e… I’m so sick and tired really kasi talagang wala siyang re­gard for decorum for what is expected of a public appearance of a president,” ani Mananzan.

Samantala, nanindigan ang babaeng hinalikan ni Duterte na “walang malisya” ang nangyari.

Sa isang video ng panayam, na ini-upload ng Philippine News Agency (PNA), sinabi ng hinalikang ginang na si Bea Kim na masaya siya sa “once-in-a-lifetime” na pagkakataong mahalikan ng Pangulo.

“Di ko ma-explain ‘yong parang kinakabahan ako, natatakot ako, excited, thank­ful, happy ako, kasi parang it’s a once-in-a-lifetime experience kasi ‘yon ‘di ba. Kahit nasa Filipinas ka, parang suntok sa buwan na makita mo nang malapitan talaga ‘yong President,” ani Bea Kim.

Ikinuwento rin ng ginang kung paano nauwi sa halik ang mabilisan nilang paghaharap ng pangulo.

“Walang malisya ‘yon. Si President nagsabi na tinanong niya ‘ko, ‘single ka ba o married?’ Sinabi ko po ‘married po ako sa Koreano, mayroon po akong dala­wang anak.’ Tapos ‘yon, parang ginawan lang namin na, ‘yong kiss, parang twist lang ‘yon, pampakilig sa mga audience.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *