Monday , November 25 2024

Goodbye Dela Serna welcome Doc Ferrer

MARAMI ang natuwa nang sibakin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si interim president Celestina dela Serna.

Kahapon, opisyal na inilabas ng Office of the President sa pama­magitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga ni Pangulong Digong kay Dr. Roy B. Ferrer bilang acting President at Chief Executive Officer ng PhilHealth.

Ang nasabing appointment letter ay pirmado na nitong  1 Hunyo 2018, bago pa lumipad patungong South Korea si Pangulong Digong at ang kanyang entourage.

Sinibak ng Pangulo si Dela Serna dahil sa nai­bunyag na katiwalian nang kuwestiyonin ng Commission on Audit (COA) ang paglulustay ng halagang P627.3 milyones mula sa government funds para sa kanyang hotel accommodations, airfare para sa kanyang flights mula sa kanyang hometown sa Taglibaran, Bohol, terminal fees, at iba pang gastos sa pagbibiyahe.

Ilang beses na umanong kinuwestiyon si Dela Serna ng resident auditors ng PhilHealth para ipaliwanag ang mga resibo at per diem tuwing may pulong, ganoon din ang kanyang allowances, na halos nagkakahalaga ng milyones, kasama ang travel expenses.

Ibang klase ang lifestyle ni Dela Serna, dahil habang nakatalaga siya sa PhilHealth central office, mas gusto niyang mag-stay sa isang mamahaling hotel malapit sa kanyang tanggapan sa Pasig City.

Pero hindi niya dinudukot sa sariling bulsa ang ipinambabayad niya kundi pondo ng PhilHealth ang kanyang nilulustay.

Nauna rito, pinaimbestigahan ni Pangulong Duterte ang PhilHealth dahil sa COA report na P627,000 travel expenses ni Dela Serna at ang pagkalugi ng ahensiya ng halagang P9-B.

Sa liham naman ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empower­ment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, isiniwalat ng mga obrero ang paglalagak ng P900 milyon mula sa P1 bilyon Externally Managed Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 (PhilHealth Charter) na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks lamang puwedeng i-invest ang EMF.

Ang pag-invest ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pagkalugi ng P116 milyon, batay sa income statement.

Nabatid sa PhilHealth WHITE, katumbas ng estafa ang sabwatan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo, ang ilegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016 at 2017 collective negotiation agreement (CNA) incentive na nagkaka­halaga ng P20,000 noong nakalipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employ­ees na umabot sa P16 milyon.

Ang pondo ng PhilHealth ay mula sa kontri­busyon ng mga miyembro nito na iniaawas sa kanilang suweldo.

Ibig sabihin, ang pondo ng PhilHealth ay mula sa suweldong pinagtatrabahuan ng mga mang­ga­­gawa, mga empleyado at kawani ng sektor pribado at publiko.

Hello?!

Itinalaga ba kayo riyan ni Pangulong Digong para matupad ang mga pangarap ninyong magbuhay rich and famous mula sa pagod at hirap ng maliliit na manggagawa, empleyado at kawani?!

Hindi ba kayo inaalibadbaran sa mga pinagga­gawa ninyo?!

Ang tindi ng tosgas ninyo sa hotel accom­modation, para kayong nagha-honeymoon, Ms. Dela Serna…

Hindi kaya, nagha-honeymoon ka nga, Ms. Dela Serna?!

Ang kuwestiyon ngayon, si Ms. Dela Serna ba ay sinisibak bilang interim President at CEO, pero patuloy na magiging board member ng PhilHealth? O tuluyan na siyang sisipain maging sa pagiging board member ng PhilHealth?

‘Yan po ang aabangan natin.

Habang inaabangan natin ito, let’s welcome Dr. Roy B. Ferrer.

Tubong Davao si Dr. Ferrer na kasalukuyang member ng PhilHealth board of directors bilang kinatawan ng employers sector.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ferrer, paghuhusayin niya ang kanyang pagganap sa tungkulin… “to be an effective public servant and to carry out the mandate of [PhilHealth and President Duterte].”

Sa bagong pamumuno ni Doc Ferrer, lalo’t kinatawan siya ng employers sector, isa tayo sa umaasa na magkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa PhilHealth.

Pansamantala, let’s welcome Dr. Roy Ferrer as the new OIC President and CEO.

Good luck, Doc Ferrer!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *