HINDI sumipot si Ellen Adarna nitong Lunes sa unang pagdinig sa child abuse at cybercrime complaint na inihain sa kanya, kaugnay sa “paparazzi” incident nitong Mayo na inaku-
sahan niya ang isang menor de edad, sa social media ng pagkuha ng retrato sa kanya sa isang restaurant nang walang kanyang permiso.
Ang kaso ay inihain ni Myra Abo Santos, ina ng 17-anyos dalagita na ang retrato ay ini-upload ni Adarna sa kanyang Instagram Stories, makaraan hindi tumugon ang aktres sa hiling na public apology ng pamilya hinggil sa kanyang akusasyon.
Nitong Lunes, ang preliminary investigation sa kaso ay ginanap sa Pasig City Prosecutor’s Office. Ang pamilya, kasama ng kanilang mga abogado, ay sumipot sa pagdinig. Gayonman, bigong sumipot si Adarna. Sinabi ng abogado ng pamilya Santos na si Atty. Arnold Labay, ang pagdinig ay ini-reset sa 11 Hunyo bunsod ng hindi pagdalo ni Adarna.