INIIMBESTIGAHAN ang sinasabing live-in partner ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, sa kasong illegal possession of firearms, makaraan madakip sa Parañaque, ayon sa ulat ng pulisya nitong Linggo.
Sinabi ni Chief Supt. Edmund Gonzales, director ng Police Intelligence Group, si Mena Luansing, provincial board member ng 2nd district ng Ozamis, ay nadakip nitong Linggo ng umaga sa bahay ng isang kaanak.
Ayon kay Gonzales, si Luansing ay isinailalim sa medical check-up at booking procedure.
Habang naghahanda ang pulisya para ibalik ang arrest warrant sa concerned court sa Ozamis City.