Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo, naging pag-asa ang kantang isinulat para sa ina

SA nalalapit na paglabas ng album ni Marlo Mortel, aminado ito na hindi na ganoon ka-in-demand ang physical CD dahil ang mga kanta ay nasa digital format na.

Ani Marlo sa 5th an­niver­sary ng Marlo’s World, “Kaya naman mas naka-focus na ngayon sa Spotify at iTunes atbp..

“Pero I think ‘pag mall show, mayroon akong physical album para may bibilhin at pipirmahan bukod sa poster.

“Kaya nga nanghihinayang ako na hindi ako nakaabot na uso pa ‘yung mga physical cd, pero okey lang kasi same pa rin naman ‘yun.

“At saka umabot naman ‘yung Harana, ‘yung banda namin so, nakaabot din ako na uso pa ‘yung cd.”

Si Marlo ang nagsulat ng lahat ng mga awiting nakapaloob sa album niya.

“Related siya lahat sa love story ko ha ha ha.”

Pero sa lahat ng songs sa album, ang pinakagusto niya, ay ang “siguro ‘di ko pa puwede sabihin kasi hindi pa siya naka-out pero pinaka- special ‘yung song ko sa mommy ko.

“Dapat hindi talaga kasama ‘yun eh pero ‘yun ‘yung time na super hirap na hirap na ako kaya nakagawa ako ng kanta.”

Hindi ka ba nahirapan na kantahin ‘yung song na para sa mama mo?

“Hindi naman, kasi ‘yun nga ‘yung naging outlet ko para magkaroon ng hope, kaya hindi ako medyo nahirapan.”

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …