Monday , December 23 2024

Huwag kayong iyakin (Sabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno)

“Huwag kayong iyakin sa pagtaas ng presyo ng langis…”

“Ang mahihirap na Filipino ay hindi nagba­bayad ng buwis…”

Sa edad na 70-anyos, ayaw naman nating pagbintangan si Budget Secretary Benjamin Diokno na isa nang ulyanin.

Sabi nga, it’s less becoming of a gentleman, kung nagsasalita nang ganyan sa kapwa.

Pero hindi rin naman natin ma-imagine na sa isang ekonomista at professor na gaya niya na nakapag-aral sa University of the Philippines, Johns Hopkins University at Syracuse University ay maririnig natin ang ganito ka-insensitive na pahayag para sa mahihirap nating kababayan.

Mukhang hindi tinatamaan ng krisis si Mr. Diokno.

Bilang ekonomista, hindi tayo maniniwala na hindi klaro kay Mr. Diokno ang ibig sabihin ng direct at indirect taxes.

Kahit walang regular na trabaho ang ma­hihirap na Filipino o kahit ang pinagkikitaan nila ay pangangalakal o pangangalkal ng basura sa mga dumpsite, bawat pagbili ng kahit anong commodity o serbisyo ay napapatawan sila ng indirect taxes.

Kaya imposible ang sinasabi ni Diokno na ‘yung mahihirap na Filipino ay hindi nagbabayad ng tax.

Mr. Diokno, lahat ng consumer ay napapa­tawan ng tax. Kahit nga patay na at ililibing na lang may tax pa.

Paano mo sasabihing hindi nagbabayad ng tax ang mahihirap na Filipino?!

Ekonomista ka, Mr. Diokno, kaya imposi­bleng hindi mo alam ‘yan.

No wonder, kung bakit hindi mo naiin­tin­dihan na ang bawat Filipino kapag pinagpa­pa­lang mabuti ng gobyerno ay nagiging pro­duktibong mamamayan.

Ikalawa, ekonomista ka, pero parang hindi mo naiintindihan ang ugnayan ng ‘puso’ at ‘pusod’ ng bawat nilalang.

Ang mamamayang may ‘kumakalam na sikmura’ dahil sa kapabayaan o panggigipit mismo ng kanyang pamahalaan ay hindi mo maaasahang maging masaya.

Hindi ba ninyo napag-aralan ‘yan kahit man lang sa isang unibersidad na pinasukan ninyo?

Sabi nga, huwag ka na lang magsalita kung wala rin lang namang sasabihin maganda o makabubuti sa isang malungkot at masakit na sitwasyon.

Kung sabagay, ano ba ang aasahan natin kay Mr. Diokno?

E ‘yung mga kawani at empleyado nga ng Bureau of Immigration (BI) hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang kanilang overtime pay dahil ayaw pakawalan ni Mr. Diokno ang pondo.

‘Yan ay kahit may commitment na si Pangulong Digong sa mga kawani at emple­yado ng BI.

Sabi nga ni Senator Ping, hintayin ninyong magrebolusyon ang mga mamamayang nagu­gutom!

Aba, Mr. Diokno, poverty is a no joke situa­tion!

Mang-insulto ka na ng buwayang walang kabusugan pero huwag ng nag-aalborotong mamamayan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *