MASUWERTE si Ms. Rhea ‘Rei’ Ramos Anicoche-Tan, CEO at owner ng Beautederm dahil mababait ang mga ambassador niya.
Hanga rin siya sa bago niyang endorser na si Arjo Atayde para sa perfume line niyang Origin series na Alpha, Radix, at Dawn.
First time niya itong nakasama sa event niya sa Hongkong para sa Mr. & Ms. Beautederm Hongkong 2018 na ginanap sa Sai Ying Pun Community Complex, 50 Bonham Road, Hongkong. Kasama rin sina Sylvia Sanchez, Matt Evans, at Boobay.
“Masaya sa Hongkong. Dami na tayo users doon. Mga candidate users talaga ng Beautederm. Gumamit muna sila ng ilang buwan bago sumali sa pageant. Successful ang event. Nasa 300 OFW’s ang nag-attend,” kuwento niya.
Proud din siya kay Boobay dahil second cousin niya ito. Pareho rin silang nag-aral sa SLU sa Baguio.
“Super galing niya. First time kong mapanood ng live eh.Super saya namin doon. Panay kain at tawanan lang. Nagsama pa Kuya Smokey (Manaloto) at Boobay kaya ang gulo namin,” dagdag pa niya.
Kamakailan ay nagbukas na naman ang pang-17 branches ng BeauteCab by Beautederm sa Cabanatuan City (infront of Harvest Hotel). Kabubukas din ng branch sa Manaoag Pangasinan na BeauteBlends by Beautederm at sa Vigan.
Magbubukas na rin ang branches nito sa Hong Kong at Singapore.
Nalalapit na rin ang bagong pasabog ng Beautederm at ni Madam Rhea kaya abangan.
(RFC)