Friday , November 22 2024

e-Gates sisimulan na sa mga paliparan

ITONG susunod na buwan ay sisimulan na sa mga airport sa Filipinas ang paggamit ng “e-gates or electronic gates.”

Ito ang sagot ng Bureau of Immigration (BI) sa mahabang pila ng mga pasahero partikular diyan sa NAIA.

Sa isang panayam kay BI OIC-Deputy Commissioner and POD Chief Marc Red Mariñas malaking tulong umano ang e-gates dahil magiging madali para sa mga pasaherong Filipino ang proseso sa kanilang pagdaan sa mga airport.

Kinakailangan lamang i-swipe ng isang pasahero ang kanyang passport, biometrics at facial capturing na aabot sa 12 hanggang 15 segundo.

Aabot umano nang 18 units ang e-gates na inisyal na gagamitin sa mga pangunahing airports partikular sa NAIA terminals 1, 2 and 3, Clark, Davao, Kalibo at mga bagong airport counters sa Cebu.

Dagdag ni Mariñas, pipilitin ng BI na bago matapos ang taon ay magamit sa lahat ng mga paliparan ang bagong sistema.

Inilaan ng pamahalaan ang budget na P340 milyones para sa bagong pasilidad.

Ang nasabing e-gates sa ngayon ay ilalaan muna sa mga Filipino.

Ang mga pasaherong foreigners ay patuloy na daraan sa mga counter ng immigration officers para i-facilitate ang pagpasok at paglabas nila sa bansa.

Kung inyo pong napapansin sa ibang mga bansa, ang kanilang mga local resident ay ganitong sistema na rin ang ginagamit.

Bukod rito, patuloy na nakatutok ang airport immigration supervisors sa mga dumaraang pasahero para sa seguridad ng bansa.

Good job, BI POD!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *