Saturday , November 16 2024

Utos ng DOLE sa wage board: Epekto ng TRAIN sa obrero busisiin

INIUTOS ng Department of Labor and Employment sa regional and tripartite wage boards ang pagtalakay at pagbusisi sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa mga obrero.

Inianunsiyo ito ni DOLE Secretary Silvestre Bello III dahil sa mga petisyon para sa dagdag-sahod sa gitna ng implementasyon ng tax reform law.

“With or without petition, I gave an instruction or order sa lahat ng mga regional wage, tri-partite wage board namin na pag-aralan ‘yung epekto ng TRAIN at pag-aralan din ang econo­mic situation sa bawat region. On the basis of which, they can already come up with their recom­mendation,” pahayag ni Bello.

Sinabi ni Bello, bukod sa wage boards, magkakaroon din ng konsultasyon sa labor groups hinggil sa isyu.

“Mayroon nang isang regional wage board group na nagsabi na na-convene nila ‘yung lahat ng ibang departamento kagaya ng DOE, DOF, DTI, NEDA, kinon­sulta na nila sa kanilang region para alamin ang epek­to ng TRAIN at alamin din ang tunay na economic equation sa kanilang region,” aniya.

Aminado si Bello na may dahilan para talakayin ang mga epekto ng TRAIN Law sa labor industry, dahil sa economic factors katulad ng pagtataas sa presyo ng pangunahing bilihin at produktong petrolyo.

“We have to be sensi­tive to the actual economic situation, especially the effect of any factor sa ating mga manggagawa,” aniya.

Bagama’t hindi niya kategorikal na sinabing ang mga obrero ay tatanggap ng malaking salary adjustment, sinabi ni Bello na ang DOLE ay “very conscious” sa kalagayan ng ekonomiya.

“Alam naman natin na may negative effect sa ating mga manggagawa but we have to be very con­­scious naman, ‘yung sina­sa­bi mo nga na balancing the interest of labor and manage­ment,” aniya.

Ikinokonsidera rin ng labor department ang pagkakaloob ng subsidya sa minimum wage earners sakaling ang pagtataas sa sahod ay hindi posible, aniya.

Ikinokonsidera aniya, halimbawa, ang pagkaka­loob ng cash subsidy sa mga manggagawa, ngunit ito ay pag-aaralan pa.

Aniya, binanggit niya kay Finance Secretary Carlos Dominguez ang pagbibigay sa bawat mang­gagawa ng P500 kada buwan ng cash subsidy, ngunit sinabi ng huli na ito ay imposible.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *