Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lassy, kinabog ang lovelife ni Vice Ganda

NASUBAYBAYAN ko kung paano nag-umpisang umangat ang karera ni Lassy, ang sikat na rin ngayong komedyante na una nating napanood sa mga pelikulang ginagawa ni Vice Ganda. 

“Wala naman tayong ibang gusto sa buhay kundi ang mapabuti ito kaya nga ‘yung pangarap natin, ‘yung sakripisyo natin ay tuloy-tuloy lang dahil mayroon tayong mga pamilyang tinutulungan!” bulalas sa amin ni Lassy na isa rin sa mga bibidang aktor sa pelikulang Wander Bra ni Joven Tan.

Kamusta naman ang kanyang buhay ngayong kilalang-kilala na rin siya hindi lang bilang isang magaling na comedy bar host kundi isang magaling na beking komedyante?

“Masayang-masaya na ako ngayon. Sa mga blessing na dumarating sa akin, sa pamilya ko, nakakakain na kami ng kung anong gusto naming kainin, nabibili ko na kahit paano ang mga gusto kong bilhin para sa sarili ko at sa pamilya ko, sobrang masayang-masaya po ako,” kuwento  ni Lassy.

Balita namin ay kinabog niya naman ang kaibigan niyang si Vice Ganda pagdating sa lovelife? Balita kasi namin ay happy siya sa kanyang lovelife.

“Ay oo! Whahahahaha! Oo naman! Hindi ko naman ililihim na two years na kami ng boyfriend ko and pareho kaming working for our future! Basta ako masaya ako and masaya naman si Vice sa lovelife niya, ‘yun pa ba?”bungisngis pa nitong kuwento sa amin.

Kung may pinagkakautangang-loob man  si Lassy, ito ay si Vice Ganda.

“Yes! Kung hindi dahil sa kanya, siguro, mahirap pa rin ako ngayon. Joke! Seryoso. Si Vice talaga. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya at alam niya ‘yun kung gaano ako nagpapasalamat sa tulong niya,” pagtatapos ni Lassy na isang bonggang role rin ang ginagampanan sa pelikulang Wander Bra. (DOMINIC REA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …