Saturday , November 16 2024

Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada

POSIBLENG maharap sa kasong administratibo at kriminal ang city pro­secutor ng Parañaque dahil sa mga nakalusot na dokumento na bumagsak sa kamay ng ‘lover’ ng isang Japanese tycoon na napatalsik sa kanyang gaming conglomerate ng kanyang sariling pamilya matapos niyang waldasin ang pondo ng kompanya.

Inakusahan si city prosecutor Amerhassan Paudac ng pagiging ‘bias’ at ‘gross partiality’ ng pamilya ni Kazuo Okada matapos ilabas ng sina­sabing ‘lover’ na si Chloe Kim sa Instagram at Facebook accounts nito ang resolusyon na hindi pa opisyal na inilalabas ng tanggapan ni Paudac.

Kinakaharap ni Oka­da ang multiple counts ng estafa sa Parañaque Prosecutor’s Office bunsod ng umano’y pag­wa­waldas ng mahigit US$10 milyong pondo ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI) sa pagitan ng unang bahagi ng 2016 at Hunyo 2017.

Ang TRLEI ang may-ari at operator ng marangyang Okada Manila sa Entertainment City, Parañaque na si Okada ang dating chief executive officer (CEO) bago siya pinatalsik ng majority shareholders na kinabibilangan ng kan­yang asawa at mga anak.

Sa isang mosyon, hiniling ng TRLEI na mag-inhibit si Paudac sa kaso na hinahawakan ng kan­yang tanggapan dahil sa hinala na ang agad at maagang paglalabas ng mga kopya ng doku­mento kay Okada ay bi­na­yaran ng malaking salapi base sa halaga ng mga kasong estafa at mga personalidad na nasasangkot.

“As city prosecutor, (he) is expected to manifest such degree of impartiality which should not be tainted by scintilla of doubt,” ayon sa TRLEI.

“Resolutions pur­portedly disposing the captioned cases in favor of respondent Okada have apparently been leaked… as shown by the unlawful publication thereof in the Facebook and Instagram accounts of his close companion, Chloe Kim although said resolutions have not been officially released,” pahayag ng TRLEI.

Sa kanyang mga social media account noong 18 May, inilabas ni Kim ang mga retrato ng mga ‘dispositive’ at ‘signature’ na bahagi ng sinasabing mga reso­lusyon na nagbabasura sa dalawang kaso ng estafa laban kay Okada at mga dating opisyal ng TRLEI. Ang mga natu­rang resolusyon ay hindi pa napapasakamay ng mga abogado ng pamilya Okada noong 21 May 2018.

Naglagay si Kim ng caption sa mga larawan na nagsasabing: “Devils will go to hell soon! 2 estapa cases against Kazuo Okada of Okada Manila dismissed. Justice prevails.”

“Kim already had a copy of, or had access to, the very same resolutions that complainant TRLEI’s counsel could not access from the Office of the City Prosecutor last Monday,” ayon sa mosyon.

“There is factual and legal basis to believe that City Prosecutor Paudac is biased and partial in favor of respondent Okada to the grave prejudice of complainant TRLEI,” dagdag sa mosyon.

Bilang city prosecutor, si Paudac ang huling pumirma at nag-apruba sa mga resolu­syon gayondin ang ka­pangyarihan at super­bisyong administratibo sa opisyal na paglalabas ng mga resolusyon.

“With the alacrity with which Chloe Kim and Mr. Okada obtained in advance copies of the said resolutions, TRLEI cannot help but fear that the resolutions had been pre-arranged with City Pros­e­cutor Paudac to favor Mr. Okada,” pahayag ng TRLEI sa kanilang mosyon. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *